Arcana's POV
Para akong bumalik sa nakaraan nung marinig ko yun sakanya. Halos lahat ng sakit na nararamdaman ko dumagdag pa. Na halos ikamatay ko na dahil di ko na kayang pigilan pa yung nararamdamman ko.
"Simula nun talagang pinilit ko syang bumalik sakin. Lahat ginawa ko at nung bigyan nya ulit ako ng pagkakataon talagang di ko sinayang. Lahat ng pagmamahal ko inalay ko. I treat her like a queen. I treat her like a girl. I love her in every seconds, munites, hours, everyday. I wake up every morning with her love and smile. She's my pill. My happy pill" he said.
Ng dahil sa sinabi nya napatingin ako sakanya at may nakita akong luhang bumagsak. Totoo nga. Di sya nanloloko. Mahal parin nya ako.
"Okay lang yan. Makakapag move on ka din" nasabi ko na lang. Ewan wala ako sa mood magsalita eh.
"Tara na hatid na kita" sabi nya. Di naman ako nakasagot pero hinawakan ko yung kamay nya tapos tumingin sakanya.
"Sorry" tanging nasabi ko na lang at binura ko o pinahid ko ang aking daliri sa luha nya.
"C-cana" tanging nasabi nya. After yun tinanggal ko na yung daliri ko sa mukha nya.
"Tara na" sabi ko na parang walang nangyari "Mag Bar tayo! Tara!!!" Dugtong ko sabay ngiti.
"Sige tara!" Sabi nya sabay ngiti din
Sabay kaming tumayo at naglakad pabalik sa kotse nya. Pagkapasok pa lang namin bigla nya ng pinaandar ang kotse
Ilang minuto lang naman ang byahe ay nakarating din naman kami sa bar.
Pagkapasok na pagkapasok namin ay agad kong narinig ang tunog at naamoy ko din ang amoy ng bar. Halo halo. May amoy alak, vape at yung iba literal na yosi talaga.
"Come on! Let's Enjoy this night!" Sabi ko at hinatak sya papunta dun sa may bartending or dun sa pinagkukuhaan ng alak.
"One gold shine wine please. Good for two!" Sabi ko. Tinignan ko naman sya pero wala parin ganun pa din. May lungkot padin sa mata nya.
"Let's drink. Tell me anything!" Sabi ko at kasabay nun ay ang pagdating ng wine namin. Pagka serve samin ay agad ko na ininom agad ang nasa cup.
"Kunwari ako yung Calvin. Kunwari ako yung baklang mahal mo. Then tell me anything. Tell me! Lahat lahat!" Sabi ko.
Tumunga ulit ako ng isa pang wine. Sya naman naka tatlong tungga na.
"Bakit kailangan mo kong iwan? Ano bang problema? May mali ba akong nagawa? Miss na kita my'love. Di ko kaya na wala ka. Di ko kaya" sabi nya. Nakatingin ako sakanya at dun ko din nakita muli ang mga luha nya.
"Iniwan kita kasi alam kong ako lang ang magiging hadlang. Meron ka ng pamilya at yung pamilyang yun ay makakasama mo habang buhay. Ako? Wala na. Mawawala din ako." Sabi ko.
"Pero di yun manyayari dahil sinabi ko sayo na ipaglalaban kita sa lahat. Mahal na mahal kita!" Sabi nya. Sabay punas sa mga luha nya. "Mahal na mahal kita. Ng dahil sa mahal kita halos lahat nawala na parang bula at bumagsak na lang nung nawala ka. Araw araw akong nagigising na parang may kulang. Araw araw ko hinahanap yung pagtitimpla mo ng kape sakin. Mga yakap mo, halik, at yung mga ngiti mo na halos gusto ko ako lang ang makakita. Namimimiss na kita Calvin. Namimimiss na kita baby ko" sabi nya. At humagulgul. Niyakap nya naman ulit ako.
"Shhhhh tama na. Tumigil ka na. Nandito lang ako. Di kita iiwan" salitang lumabas sa bibig ko na talagang nagpatunay na mahal ko parin sya at ako pa din yung Calvin na minahal nya.
"Promise? Di mo na ako iiwan ahhh!" Sabi nya sabay tungga ng alak. Nagulat ako ng makita ko yung alak. Sa sobrang titig ko ay napansin kong lampas kalahati na ang nainom nya. Tss.
"Halika na. Umuwi na tayo. Gabi na at lasing ka na!" Sabi ko.
"No! Hahaha di ako lasing. Sino nagsabi sayo nyan? Sinungaling yun!" Sabi nya.
Ako naman ay di ko sya sinagot bagkos binuhat ko pa ang loko papuntang parking lot at dun ko na sya nilagay sa passenger seat. Ako na lang ang magdridrive!
Ilang minuto lang naman ng makarating ako ng condo nya. Alam ko parin ata ang password neto eh.
Pinindot ko ang password sa door ng condo nya at di nga ako nagkamali alam ko parin talaga at di nya parin pinapalitan.
Binuhat ko sya hanggang sa kama nya at dun naramdaman ko ang ginhawa. Grabe! Ang bigat ng mokong to!
Pumunta na muna ako ng CR para umihi. Saglit lang naman eh. Ng pagbalik ko ay nakita ko si Darius wala ng pang itaas at tanging naka boxer na lang. Jusmeeee! Nyemasss! Ba't ganto! Ayoko ng ganto! Pigilan mo Cana!
Nakahiga lang sya habang ako eto kukuhanin sana yung bag kong nasa likod nya at dinaganan.
Habang palapit ako ng palapit ay nakikita ko yung 8 packs of abs nya. Shemmssss! Dati 6 pack lang to ah! Bakit nadagdagan ng dalawa?
Kukuhanin ko na sana yung bag ko ng bigla nya na lang akong hatakin at napahiga ako at ang pwesto namin ay nakapatong sya sakin. Binaliktad nya yung pwesto namin.
"Baby. Wag mo kong iiwan ah! Ikaw lang dito." Sabi nya sabay duro sa puso nya. "At ikaw lang din ang magmamayari dito at sa buong katawan ko. Kasama na ang puso ko" sabi nya sabay duro sa baba nya. Don't tell me may gagawin syang iba?
Unti unti na nya nilalapit ang kanyang mukha at hanggang sa maramdaman ko na ang kanyang labi sa aking labi. Di pa din ako lumalaban at nanatili ako dun. Ilang sigundo lang ang tinagal nun at umalis din sya sa pagkakapatong at niyakap na lang ako.
"Wag kang aalis ahhh. Gusto ko katabi kita. I love you baby ko! I love you my'love! Tulog ka na" sabi nya. Di naman ako sumagot at nagbilang ng hanggang sampu.
1
Bagsak to maya maya hintay lang
2
3
4
5
6
7
8
9
Yan na!
10!.
"GWAKKKKKKKKKK"
YUCKKKKKKKKKKKKKKKK! PUTAENAAAAAAAAA KA DARIUSSSSSSS! HAYOP KA! SUKAHAN MO BA NAMAN AKO! AT SA DAMIT PA? WALA AKONG EXTRA DITO HOY!!!!!!!!
"Darius!!!!! Umatos ka nga! Nyeta! Sinukahan mo pa ako." Sabi ko. At sya ayun bagsak na.
Huhu shemayyy! Pano to? Wala akong extra damit!
~~~~~~~~~~~~~
A day was began. And that day was rise to get me up and made me smile kaso wala ako sa mood. Sino ba naman ang hindi maiinis kung sinukahan ka ba naman. Yan tuloy hiniram ko yung damit ko dito dati. Actually akala ko wala na talaga eh. Kaso nung naghanap ako may nakita akong short shorts. Eh wala naman akong mahanap na t-shirt kaya ayun hiniram ko yung kay mokong.
Inayos ko na muna yung kama nya pero nagtataka ako bakit wala sya dito? Eh samantalang 7'o clock palang at ang pasok nya ay 10. Anona?
Pagkatapos ko ayusin yung kama nya ay nagtali muna ako. Messy bun. Mas okay sya sa outfit ko eh.
Pagkalabas ko palang ng kwarto ay bumaba agad ako at dun palang sa hagdanan may naaamoy na ako.
"Hmmmmmm bacon ang hotdog! My favorite!" Sabi ko. Totoo naman eh.
"Huh? Favorite mo din to? Eh si Calvin ang may favorite neto. At lagi nyang niluluto to dito eh." Sabi nya. Opsss oo nga pala lasing sya kahapon.
BINABASA MO ANG
Destined To Born Again (The Revenge) •COMPLETED•
Teen FictionPinatay nila ako. Niloko ako ng Darius na yun. Dinamay pa nila si mama. Pinatay nila si mama kaya kung anong ginawa nila doble pa ang gagawin ko. Lalo na kay darius. Pinagbigyan ko sya pero niloko nya ako. Malalagot din sakin sila allysa at Kyline...