Pagpapalaya at pagpaparaya

1.1K 40 0
                                    

Calvin's (Arcana's) POV

SoundTrack: Hold my Hand

Nandito ako ngayon sa bahay namin at kanina ko pa kinokontak si Darius pero wala talaga eh. Cannot be reach. Or di kaya naka patay ang phone. Baka busy lang yun.

Ayoko muna syang husgahan at gusto ko munang makita syang magpaliwanag sakin.

Kilala ko sya. Alam ko kung nagsisinungaling sya o nagloloko o hindi. Magsasabi yun sakin kapag may problema.

Sana Darius ang mga sinabi mo sakin ay sana kaya mong panagutan. Ang mga pangokong iyong binitawan ay sana di lamang isang salita. Sana di mo ko ginagago katulad sa nangyari dati.

Nag-pahinga muna ako dito sa aking kwarto at nagbukas muna ako ng Fb, youtube, instagram, wattpad and many many more!

Nung inopen ko ang aking wattpad puro lang naman update ng mga authors pero ung iba may pa massage sakin kahit di naman ako gumagawa ng kwento dito sa wattpad. Reader lang ako at syempre kahit konti sinusubukan ko parin magsulat di nga lang dito kundi sa notebook.

Sa youtube naman wala namang nagbago puro lang din new video ng mga artist na sinubscribe ko. At syempre yung mga make up tutorial, little mix, BTS, World of dance ang aking mga inaasahan. Sa world of dance walang update tapos sa little mix and BTS marami lalo na sa Makeup tutorial.

Pinindot ko na lang yung kanta ng Little mix na NOTHING ELSE MATTERS try nyo ang ganda kaya. Promise! (A/n: Actually guyss meron talaga sila at ang ganda nun. Kahit yung mga past songs nila ang gaganda try nyo! Fan kasi si author eh hahahah!)

Habang nakikinig ay pinindot ko ang Facebook at nag open ng makita ko na ang dami kong notifications and massage pero isa lang ang napansin ko at yun ay ang post ni kyline na wedding ni Allysa.

Wala akong paki kay allysa pero di ko maiwasan magalit sakanila kasi silang dalawa lang naman ang mga kontrabida sa story na to eh. Author kasi eh daming alam.

A/n: Aba dinamay po pa ako ahh! Baka gusto mo mauna para sila kyline darius and allysa na lang ang matitira? Threesome yeahhh hahahah! Choss lang.

Wheee wala na finish na. Papansin na sya. Tss

Di ko parin lubusan maisip kung bakit nagawa ni darius yun. Kahit di ko sabihin sa inyo syempre diba makakaramdam din kayo ng galit. Alam ko na kailangan nyang ipaliwanag sakin pero shet lang talaga! Nagloko ang gago at pati ako ginago rin. Ano to gaguhan?

Kainis! Agad ako nag-bihis at lumabas ng bahay para puntahan si darius pero di na kailangan kasi nakita ko syang naka tuxedo at umuwi sya ng bahay nila ng di ako napapansin.

So totoo nga?

Agad ako lumapit sa bahay nila at nag-door bell ng nag-door bell. Hanggang sya an ang lumabas at nakita ko syang ganun parin ang itsura pero may ngiti sa labi at lungkot sa mata.

"C-calvin?" Sabi nya. See pati tawag nya sakin iba na.

"Darius umamin ka nga sakin. Ako ba ginagago mo? Huh? Kasi Darius ako seryoso ako sayo at di kita niloko pero ano tong ginagawa mo?" Tanong ko.

"Calvin...... My'loves let me explain" sabi nya.

"For what? Para maka-hanap ka ng butas?"

"No d---" di na nya nasabi ang ibang words dahil pinutol ko sya.

"Bakit di mo sinabi sakin darius? Bakit di mo sinabi sakin na ikakasal ka na ako ang maiiwan? Bakit mo nagawa to? Ano ba ginawa ko sayo huh?" Sabi ko habang sya naman naka yuko lang.

"Di ko naman ginusto yun eh" sabi nya.

"Paanong di mo ginusto Darius?? Huh? Di mo ba alam na pinanood ko yung video nyo na ikakasal ka na. Ang sakit dito eh." Sabi ko habang lumuluha sabay turo sa parteng dibdib.

Destined To Born Again (The Revenge) •COMPLETED•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon