Fights back

1.5K 63 2
                                    

Calvin's (Arcana's) POV

NAGULAT ako sa sinabi ni Darius di daw sya nagseselos pero bakit sya nagagalit? Saka kaya ako umiyak kasi first time ko sya makitang ganun halos di ko alam ung gagawin ko. Ang nakakainis pa eh nung tinanong ko sya dun pa sya nagalit. Kung kelan sasabihin ko na na pwede na sya manligaw dun pa sya nagsimula magalit ano na gagawin ko?

Nag aayos na ako ng pinaghigaan ko at hinanda ko ung mga gamit ko. Last time kasi di pa ako naliligo. Kaya ang ginagawa ko ay naghihilamos na lang ako at nag too-tooth brush. Dalawang araw lang naman ako nandito. Simula nung inoperahan ako hanggang kagabi. Pero ung dalawang araw na yun masaya ako kasi nakasama ko si Darius. Masaya ako nun kasi Mas lalo kami nag kakilala kwine-kwentohan nya ako tungkol sakanya at kwine-kwentohan ko naman sya ng tungkol sakin. Yun nga lang eh masyado ata ako na-komportable sakanya kaya siguro naiinis sya sakin kasi ang kulit ko. Makulit Ba talaga ako?

Ngayon ay nakaimpake na ako at ready na kami umalis ni Darius. Di kami naguusap ni Darius simula kahapon na nagalit ako sakanya. Pero sa totoo lang gusto ko na sya kausapin. Gusto ko yung masaya kami pero wala eh galit sya sakin. Gusto ko na magkabati na kami ayoko ng ganto yung nag-aaway kami.

Paalis na kami sa hospital ng may biglang may nagbubulungan dun sa hospital. Namumukhaan ko sila, sila yung mga studyante dun sa school.

"Girl kompleto na araw ko! Nakita ko na si Darius! Bakit nga pala nandito si Darius?" Sabi nung girl na naka pantalon at naka t-shirt.

"Oo nga girl! Pero wala akong pake kung ano ang ginagawa nya rito basta makita ko lang yung gwapo nyang mukha okey na!" Sabi naman nung kasama nya na girl

"Ayy girl nabalitaan ko na kasama nya daw lagi si Calvin! Yung baklang pangit?" Sabi nung babaeng naka t-shirt

"Ayy oo nga tignan mo oh nakatingin sya satin." Sabay tingin sakin nung mga babae.

Inaano ko nanaman Ba sila? Nakakagigil huh?

Si Darius ay nandun sa may bayaran. Babayaran nya yung mga bills namin. Kaya eto wala akong kasama

Lumapit sakin ung dalawang babae. Habang papalapit sila ay sumasama rin ang tingin nila sakin.

"Anong ginagawa nyo rito ni Darius?" Tanong babaeng naka t-shirt

"Its none of your business" sabi ko

"Wow! Tapang huh? Siguro nag pa plastik surgery ka no? Tapos nagpasundo ka Kay Darius para makita nya yung pangit mong mukha?" Sabi naman nung Isang babae.

Aba naghahamon ata to ah!!!

"Sorry I'm not your mirror. And fyi di ako dito nagpunta para magpaplastik surgery kasi kahit kelan di ako kagaya nyo! Eh kayo anong ginagawa nyo rito? Siguro magpapaturok kayo ng pampalaki ng boobs noh? Hay nako wag na kayo magbalak pa di tatablan ng turok yan. Kailangan dyan himala." Sabi ko

"Aba sumosobra ka na ahh. Nagbago ugali mo huh? Pero kung titignan mula ulo hanggang paa wala ka parin sa ganda namin." Sabi nung Isa. Aba kinumpara pa ako sakanya yuck!

"Alam mo di ko lubos maisip kung bakit mo ako kinukumpara sayo? Eh halos wala nga nag ago sakin eh sayo? Ano nagbago? Kung titignan meron naman kasi MULA ULO MUKHANG PAA halos lahat pantay pantay. Saka kung titignan mga pader Ba kayo? Flat na nga ang harapan flat pa ang likura ano na?! Pinaglihi ata kayo sa pader huh? Well di na ako magtataka kasi gusto nyo lang naman gayahin yung pinsan ko na si Kyline. Well bagay naman kayong lahat eh pare-parehong feeling magaganda!" Sabi ko at nakita ko na papalapit na di Darius kaya tatapusin ko na to " Oh ano? Bakit kayo natunganga? Wala kayo masabi kasi totoo? Sa susunod kasi kung gusto nyo ng away yung dun sa ka level nyo para di kayo nalalamangan. Mga feeler kasi eh!" Dugtong ko. Sabay alis na. Pero di nagpatinag ang Isa at sinabunutan pa ako. Well di na ako magpapatalo mga kagaya lang naman to ng mga Tao sa school. Mga plastik!

Sinabunutan nila akong dalawa pero di ako nagpatinag at tinagdyakan ko ung Isa sa tyan at yung Isa naman ay binalibag ko. Tapos tumayo naman ung tinagdyakan ko at tinulak ako kaya ako eto muntik na masubsub pero wala eh di ako magpapatalo. Kaya ang ginawa ko ay tinagdyakan ko sya sa tyan at nakita ko naman na nakatayo ung kasama nya kaya ang ginawa ko habang nakayuko ang babae ay sinabunutan ko at sabay pinaikot ikot ko at sabay hagis dun sa kasama nyang babae. Kaya ang nanyari pareho silang nasaktan. Nilapitan ko silang dalawa para balaan.

"Sa susunod na pagtulungan nyo akong dalawa di lang yan ang mangyayari sainyo. At kung kakalabanin nyo ako siguraduhin nyong kakayanin nyo. Patikim palang yan. Di pa yan yung pang finale" pang babala ko.

Nakita ko na lang na lumapit si Darius para pigilan ako. Pero Isa pa to eh! Kung Hindi dahil sakanya di ako magkakaganito. Di magiging magulo ang buhay ko.

"My love tama na. Tara na alis na tayo!" Sabi nya. Tumingin ako sakanya ng masama at kinuha ko ang bag ko.

"Tsk ako lang aalis. Asikasuhin mo yan. Kawawa naman baka di ko mapigilan sarili ko at sayo ko pa ilabas ang galit ko" sabi ko

Tumigil naman sya at tinulungan nya yung dalawang babae. Ako naman ay umalis na pero bago ako umalis tumitig muna ako sakanya at nakita ko naman na nakatingin din sya kaya nagsalita pa ako.

"Lastly don't call me My love. Di ako tanga para tawagin mong ganyan. Walang tayo! And wag ka na lalapit sakin wag mo na rin ipakita Yang pagmumukha mo sakin kasi ayoko na makita yan!" Sabi ko at tuluyan na akong umalis dun.

Habang Nasa byahe ay di ko parin akalain na nakalaban ako. Gusto ko nang bumawi. Lagi na lang akong talunan.

Sa Monday ko na sisimulan ang lahat. Kapag pinagtripan nanaman ako si Kyline pagtritripan ko rin sya. Kung akala nya magpapatalo ako pwes di na ako magpapatalo. Ginawa nyang magulo ang buhay ko gagawin Kong Mas magulo ang buhay nya.

Destined To Born Again (The Revenge) •COMPLETED•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon