Calvin's (Arcana's) POV
Pagkatapos naming kumain ni Darius eh naglalakad na kami papunta sa bahay ko. Ihahatid nya daw ako
"Calvin ihahatid kita ah" sabi nya
"Wag na.... nakakahiya naman" sabi ko
"Anong nakakahiya? Eh kumain na nga tayo na mag kasama eh! Bakit ka pa mahihiya?" Saad nya
"Eh kasi baka nakakahiya na sayo...... ikaw na nga nanlibre sakin ng pagkain tapos ihahatid mo pa ako sa bahay." Sabi ko
"Ano kaba Calvin! Di nakakahiya yun! Mas gusto ko pa nga na magkasama tayo eh......." sabi nya
"Hayss ikaw na nga bahala." Sabi ko
*★*★*
Malapit na kami sa kanto. Bago makapunta sa bahay namin. Bawal kasi ako makita nila mama na may kasama na lalaki.. baka malaman nila na bakla ako.
"Amm Darius pwede mo na ako iwan dito" sabi ko
"Ayoko gusto ko mapuntahan ang bahay nyo."sabi nya
"Bakit?" Saad ko
"Para umakyat ng ligaw" sabi nya
"Loko ka! Ayoko nga! Saka bawal ka makita nila mama at papa kasi di pa nila alam na bakla ako" sabi ko
"O Sige papayag ako ngayon pero sa susunod sana payagan mo na ako manligaw" sabi nya
Loko talaga to! Niloloko lang naman ako neto eh saka ang babata pa namin para dun loko talaga toh si Darius
"Loko ka talaga! Ang babata pa natin eh... saka wag mo muna isipin yan mag Aral muna tayo" sabi ko
"Baka di ko mapigilan sarili ko at baka mapa oo na Agad ako sayo" bulong ko
"Ikaw bahala...... handa naman akong maghintay eh" sabi nya
"Osige na! Alis na ako bye!"Saad ko
"Bye!!!!! I love you!!!" Sabi nya. May pa I love ilove you pa sya nalalaman nakakakilig tuloy.
"Cge alis na ako" sabi ko
Habang maglalakad palang mga 5 steps palang eh tinawag nya ako
"Calvin!" Sabi nya
"Oh bakit" Saad ko habang di tumitingin sakanya
Humakbang sya sakin at lumapit. Nakaramdam na lang ako ng mainit at medyo mahigpit na yakap.
"Pagbigyan mo na ako kahit 1 minutes lang" sabi nya
Hindi ko pinansin yun at pinabayaan ko syang yakapin ako. Sana ganito na lang kami
"Amm Darius kailangan ko na umalis baka hinahanap na ako nila mama" sabi ko
"Sige Calvin........ Maraming Salamat" sabi nya
"Sige bye!" At umalis na ako.
Di ko na sya pinansin. Naglalakad ako dito sa kanto papunta sa bahay namin. Pagdating ko Agad akong kumatok para pagbuksan ako ng pinto nila mama. Binuksan ni mama ang pinto at nakita nya ako
"Oh anak! Halika na at pumasok na kumain na tayo kanina ka pa hinihintay ni ate mo" sabi ni mama
"Opo mama Sige po!" Sabi ko
"Ma? Si papa po?" Tanong ko
"Nasa trabaho anak eh kailangan daw sya kasi may bagong kasong hawak ang papa mo" sabi ni mama
BINABASA MO ANG
Destined To Born Again (The Revenge) •COMPLETED•
Teen FictionPinatay nila ako. Niloko ako ng Darius na yun. Dinamay pa nila si mama. Pinatay nila si mama kaya kung anong ginawa nila doble pa ang gagawin ko. Lalo na kay darius. Pinagbigyan ko sya pero niloko nya ako. Malalagot din sakin sila allysa at Kyline...