Kiss

1K 36 0
                                    

Calvin's (Arcana's) POV

Ano problema neto? Ayaw tumigil eh! Kanina nya pa ako yakap. Ang bigat kaya nya!

Paano kasi simula nung pumasok ako sa cafeteria nakayakap na Agad sya. Di ko alam kung bakit. Basta nakayakap lang sya. Good thing wala pang masyadong Tao.

Agad ako pumunta dun sa may upuan. Pero etong Isa naka-yakap parin sakin.

Nang makarating ako dun sa may upuan Agad ko sya tinapik sa likod.

"Hoyyy!!!!! Ang bigat mo!" Sabi ko.

Buti na lang at umalis itong lokong to. Ang sakit ng likod ko.

"Bakit mo Ba kasi ako niyakap at nagpabigat ka pa?!" Irita Kong tanong sa kanya.

"Sorry...... di ko kasi matiis eh."nakayukong sabi nya. Pero bigla syang tumingala at tumingin sakin na parang bang matagal ako umalis. "Na-miss kita Agad eh." Dugtong nya

Jusssqqqq kikiligin na Ba ako?

"Ewan ko sayo. Ang sungit sungit mo kanina tapos ngayon ang bait bait mo!" Sabi ko at nilapitan ko sya at hinawakan ko ang noo nya at yung leeg nya. Wala naman syang sakit eh! "May sakit ka Ba? O baka may sanib ka?" Dugtong tanong ko sa kanya.

Tinawanan lang ako ng loko. Kala mo naman talaga eh no!

"Hahaha ako sinaniban? Ang pogi ko naman para saniban?" Sartiskong Saad nya.

"Well sana nga sinaniban ka na lang. Ang hangin eh! Tsk!" Sabi ko. Umirap na lang ako sa hangin.

Mamaya pwede na kami umuwi.

"Tara na nga! Akyat na tayo sa taas para mamaya makauwi Agad." Sabi ko

Akmang tatayo na ako ng Biglang nyang hawakan ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya at nakayuko lang sya kaya ang ginawa ko hinatak ko sya.

"Ang bigat mo naman!" Saad ko sa kanya. Di ko alam kung nagpapabigat lang Ba sya oh sadyang mabigat talaga sya!

"Sorry." Sabi nya.

Tinignan ko sya na puno ng pagtataka.

"Why? Did you do something wrong?" Saad ko

Nakakapagtaka naman kasi nag so-sorry sya ng walang dahilan.

"Sorry sa gagawin ko. Ayoko makita kang nasasaktan kaya sorry na lang." Sabi nya

Dun ko lang napansin na may tumulong luha sa Mata nya. Hala?!!!!! Anyare dito?

"Oyyy!!! Anyare sayo? Bakit? Bakit may nagawa ka bang kasalanan?" Tanong ko.

Pero mukhang ayaw nya sumagot. Pinunasan na rin nya yung luhang nagbabadyang lumabas sa pinanggalingan nila.

Hinawakan ko na lang din ang kamay nya at pati pisngi nya hinawakan ko rin. Tinignan nya ako na parang nagmamakaawang pusa.

"Wag ka mag alala nandito lang ako. Di kita iiwan" sabi ko at sabay ngiti sa kanya.

Mukha namang naging komportable sya sa sinabi ko kaya naman tumayo sya at naglakad na kami paakyat.

Minsan talaga di ko maintindihan itong mokong to.

*****

Mabilis natapos ang mga klase namin kaya naman uwian na.

Nagaayos na ako ng gamit ko at akmang lalakad na palabas ng may humatak sa bag ko.

Destined To Born Again (The Revenge) •COMPLETED•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon