SC: Achlys

50.9K 3.1K 3.2K
                                    

Chase's POV

"Fifty-two..." sambit ko, binibilang kung pang-ilang beses nang bumalik ang batang lalaki sa vending machine.

Hindi ko alam kung ilang oras na kami sa ospital na'to. Ang alam ko lang ay nasa time loop nga kami kagaya ng inanunsyo ni Ria.

Paulit-ulit ang mga kaganapan sa kapaligiran namin... at malapit na.

Malapit na akong mabaliw.

Yumuko ako para tignan si Ria na ginawang unan ang hita ko. Nakapikit ang kanyang mga mata at dinig ko ang mahihinang hilik niya.

Dahan-dahan kong inayos ang aking pagkakaupo, sinisiguradong hindi ko siya magigising.

Napadpad lang naman kami dito dahil may ibinilin si Mnemosyne sa kanya, tas ngayon malalaman lang namin na di na kami makakalabas dito.

Kaya isang salita lang ang masasabi ko.

Huminga ako nang malalim saka bumulong, "Putangina."

Kasasabi ko lang na malapit na akong mabaliw at hanggang ngayon wala pa rin akong naiisip na solusyon para pigilan ang sarili kong matuluyan.

Pumasok ako dito nang matino. Paano kung lumabas akong hindi na?

Bro.

Napabuntong-hininga nalang ako at ipiniling ang aking ulo sa sandalan. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang marinig ko ang mahinang boses ni Ria.

"I heard that, Chase."

"Nagising ba kita?" tanong ko nang dahan-dahan siyang napaupo sa tabi ko.

Ilang segundo siyang napatitig sa harapan. Sobrang bagal ng bawat kisap niya ng mga mata, halatang naaalimpungatan pa.

Pagkatapos, ilang segundo pa siyang nakatulala sa harap niya kaya kinuha ko ang atensyon niya.

"Ria?"

Matagal-tagal pa bago ko muling narinig ang boses niya. "Chase, what if..."

Umangat ang aking kilay. "What if?"

Napalunok siya. "Can you listen to this story that I'm about to tell you?"

Napagtanto kong baka isa ito sa mga ala-ala niya at halatang hindi siya mapakali dahil dito kaya tumango ako.

"Several years ago, a little girl found out that her mother died protecting one of her closest friends. Then, she went to that friend and tried to kill her-"

"May mali sa batang 'yan." puna ko. "Ba't niya naman papatayin yung niligtas ng nanay niya?"

Namuo ang isang malungkot na ngiti sa labi niya kaya tuluyan na nga akong na-alarma.

May nasabi ba akong mali?

"Y-You haven't let me finished." aniya.

Tumahimik ako at hinintay siyang makapagpatuloy.

"She went to that friend and umm..." Humibi ang kanyang labi.

At nakakapanibago.

Nakakapanibago ang makita siyang nagkakaganito.

"Ria, anong nangyayari sa'yo?" Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako. "Ba't ganyan ka magsalita?"

Kapansin-pansin ang panginginig ng dalawang palad niya na nakadaop. "She went to her mother's friend but she didn't try to kill her, she tried to kill her daughter instead, because she wanted to make her feel what she felt like after losing someone she deeply loved."

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon