Conscience

69.7K 5.1K 2.7K
                                    

Ria's POV

I opened my eyes and the first thing I saw was blinding light. It took my vision a few seconds to adjust then I realized, nakatingin pala ako sa ilaw na nasa kisame.

Nagawa kong i-angat ang isang kamay ko. Sinuri ko ito at napansin ang iilang sugat sa balat ko na hindi pa nawawala.

Wait...

Binaba ko ang kamay ko pagkatapos mapagtantong hindi ako nakatali.

My arms and legs were free to move...

but my wings.

"I injected a paralyzing serum in your wings. You won't feel it nor control it. Pero wag kang mag-alala, it's just temporary." tinig ni Seht ang bumati sa'kin.

My eyes scanned the whole room and stopped on the demigod standing beside the bed and behind a table. On the table is a tray with four syringes and a pile of bags filled with blood.

Since the syringes are empty, I bet they were the ones he used to inject the serum.

But the blood... para saan?

"Temporary until you go back to your normal state." dagdag niya.

He gave me a glance before lifting up the tray. "Now if you'll excuse me.." Tumungo siya sa pinto.

With one hand holding the tray and the other on the knob, he calmly opened the door.

Bago niya tuluyang maisara ang pinto, narinig ko ang boses ni Art na sinalubong kaagad siya paglabas niya.

"Twinny, hindi gumagana yung ambrosia sa mga sugat niya.."

"It's okay, we'll just continue to supply blood... and pray to the Gods that his body will survive."

"Pero twinny-" hindi ko narinig ang karugtong ng sinabi ni Art dahil sinara na ni Seht ang pinto.

Panandalian kong pinikit ang mga mata ko saka dahan-dahang umupo. Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin na nakasabit sa tapat ng higaan.

My hair isn't red anymore...

Ibig bang sabihin nito na hindi ako tunay na anak ni Ares? Am I cursed?

Kaya ba nahihirapan pa rin akong kontrolin ang sarili ko dahil mayroon pa palang ibang nilalang na nakikigamit ng katawan ko?

"Shit-" Napahawak ako sa ulo ko.

The pain... it's still there.

And my mom's voice...

Napatingin ulit ako sa salamin at nakitang nagpapalit-palit na naman ng kulay ang mga mata ko.

My head is throbbing with pain and my body is starting to heat up.

Bumagsak ako sa higaan nang nabawasan ang sakit sa ulo ko dahil kumalat ito sa buong katawan ko.

Gods it hurts.

It hurts so much.

Pinilit ko ang sarili ko na huwag mapasigaw sa sakit at pakawalan nalang ang mga luha ko. Ayokong makuha ang atensyon ng mga nasa labas. They've had enough of me already and if I make a noise, they'd try to chain me up again.

I let a muffled scream escape my lips when I felt my eyes burning. It's as if something is digging a hole deep towards my brain through my eyes.

This is it. Ito na ang pinakamalalang sakit na naranasan ko...

And I... can't.. take.. it... any longer-

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon