In The Valley

43.3K 3.7K 2.8K
                                    

Cesia's POV

"Destiny is nowhere to be found because he has been with you. In the mortal realms, and now..." Inilibot niya ang kanyang paningin. "-in the realms of time..." Dahan-dahan niyang ibinalik ang kanyang tingin sa'kin. "-in the realms of Memories..."

Nakatuon pa rin ako kay Slade nang humakbang ako papalapit kay Trev saka humawak sa braso niya.

Tinignan niya ako mula sa sulok ng kanyang mga mata.

'What's the matter?'

Napalunok ako. 'Nasa domain ko siya, Trev. Nakapalibot ang kapangyarihan ko sa kanya... at ang bigat.'

Nanlalamig ang aking mga palad nang higpitan ko ang pagkakapit kay Trev. 'Ang bigat ng presensya niya.'

Simula nang malaman ko kung sino talaga si Slade, hindi siya nagbigo sa pagpaparamdam sa akin nito. Nakatayo lang siya, ilang metro ang layo mula sa'min, ngunit ramdam ko ang malakas na hatak ng grabidad mula sa kinatatayuan niya.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Slade. "I'm sorry, Cesia."

Napakurap-kurap ako nang unti-unting gumaan ang pakiramdam ko. Saka ako bumitaw kay Trev.

"It's been a while since I let myself loose." aniya. "Even when asleep, I had to stop my own powers from seeping through this body, or else, everyone will feel my presence."

"Hindi." Hindi ko alam kung bakit ako biglang naawa sa kanya. "Okay lang."

Siguro dahil napaisip ako, kung gaano kahirap para sa isang deity na katulad niya ang magpanggap bilang isang mortal. Bawat segundo, pati sa pagtulog, sinisigurado niyang walang makakapansin sa tunay niyang presensya.

Maihahantulad ko ito sa tuwing bumibigat nang husto ang pakiramdam ng isang tao at imbes na ilabas ito, pilit lang itong kinikimkim sa sarili.

At nagawa ito ni Slade... sa loob ng ilang taon.

"You really remind me of him."

Agad nakuha ang aking atensyon sa puna ni Slade. "Him?"

"It was a long time ago, I believe. When I found a mortal on the verge of desperation." Humakbang siya papalapit sa'min. "He went to Olympus, then to the Underworld to ask for help, or even just a little bit of advice... yet no one listened."

Nalaman ko kaagad kung sino ang tinutukoy niya.

"He went through the highest mountains and the deepest trenches, only to be ignored." Tumigil siya sa harapan namin. "And in a dark valley leading to nowhere, surrounded by hills of fear, regret, frustration and desperation... he finally fell."

Napasinghap ako nang kusang gumana ang ability ko at pumasok kami sa isang ala-ala.

Natagpuan ko si Papa na nakatayo sa gitna ng madilim na silid. Sa bisig niya, isang sanggol na mahimbing na natutulog.

Isang luha ang pumatak mula sa mata ni Papa. "Abigail..." Tinuyo niya ito. "Cesia..."

"Slade?" tugon ko. "Nasaan ang deities ko sa panahong ito?"

"In their realms." sagot niya.

"Hindi, nasaan sila noong kinailangan niya ang tulong nila?"

Nilingon ako ni Slade. "Of course, they didn't listen to him and even if they did, they still wouldn't help. They loved your father, but their fear of destiny was even greater."

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon