Memories of Hope

51.9K 3.2K 2.9K
                                    

Cesia's POV

Yumuko ako at itinapat ang aking palad sa sahig.

Panandalian kong pinikit ang aking mga mata at bumuo ng koneksyon sa pagitan namin ni Elpis na nakatira sa mga ala-ala ni Thea.

"Elpis..." bulong ko.

Ilang sandali pa'y narinig ko ang boses niya sa aking isipan.

'Cesia.'

"Kailangan ko ang tulong mo."

'Everything for you, Omega.'

Pagmulat ko, tuluyan nang nag-iba ang kulay ng aking mga mata. Pagkatapos, mula sa aking palad, lumabas ang likido na tila gawa sa natunaw na salamin. Kumalat ito sa sahig, at umabot sa bawat sulok ng silid kung saan tumakbo ito pataas at tinakpan ang pader, hanggang kisame.

Tumayo ako at nang apakan ang sahig na kumikinang, nabasag ang mga pader na nakapalibot sa'kin. Lumawak ang aking kapaligiran at natagpuan ko nalang ang aking sarili na nakatayo sa gitna ng mga ulap.

Ilang metro ang layo mula sa kinatatayuan ko, nakita ko si Elpis na naglalakad papalapit sa'kin.

Kapansin-pansin ang ngiti niyang para bang alam na niya kung anong kailangan ko.

Huminto siya sa harap ko.

"Kailangan ko ang mga ala-ala mo." tugon ko.

Bahagyang bumukas ang kanyang bibig at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.

"Of course." Nanumbalik ang kanyang ngiti. "Which memories of hope?"

"Sa mga sandaling nakaramdam ng pag-asa si Papa dahil sa'kin." sagot ko. "Sa pinakaumpisa, kung kailan sanggol pa ako."

"The first time he felt hope, Cesia, was just right after you were born..." Bahagyang umikot si Elpis para ipakita sa'kin ang isang lalaki na paikot-ikot sa kwarto, tila kinakabahan sa hinihintay.

Napangiti ako. "Papa..."

Kasama si Elpis, pumasok kami sa dati kong kwarto sa mortal realms.

"I was there when he held you for the first time."

Isang kalapati ang pumasok sa kwarto mula sa bintana. Kumikinang ang puting balahibo nito at bago tuluyang makalapit kay Papa, panandalian itong lumiwanag at nag-anyong babae sa harap niya.

"My love..." mahinang sambit ni Aphrodite sa kanya, suot ang isang malabot na ngiti.

Napatigil naman si Papa at dahan-dahang napatingin sa sanggol na nasa bisig ng goddess.

Tila hindi makapaniwala si Papa dahil sa naluluha niyang mga mata.

"A beautiful one, isn't she?" ani Aphrodite.

"Can I hold her?" tanong naman ni Papa.

Nginitian siya ng goddess sabay abot ng sanggol na bitbit niya. "Careful, Gabriel, that demigod is one of the two wonders of my world."

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Her eyes..." puna ni Papa nang matanggap ang sanggol, dahilan na mapasilip din ako sa tinutukoy niya.

Umangat ang aking kilay pagkatapos makita ang mga mata nito na kulay purple.

"I know." Marahang inayos ni Aphrodite ang puting lampin na nakabalot sa katawan ng sanggol. "She holds the entire universe inside them."

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon