Empathy

70.7K 4.4K 5.3K
                                    

Cesia's POV

Nakita ko si Cal na kausap si Trev sa kusina kaya't tumakbo ako sa kanila. Sabay naman silang napalingon sa'kin nang mapansin nila ako.

"Cal? Pwede mo bang kausapin si Art para sa'kin?"

Kumunot ang kanyang noo.

"Eh kasi..." Paano ko ba sasabihin sa kanya yung nangyari kanina? "Hindi naman kami nag-away pero... may nangyari at kinutuban akong hindi siya magpapakita sa'kin hangga't may kumausap sa kanya. Nag-aalala lang ako para sa kanya. Hanapin mo siya, please?"

Bago makaalis, ay tinignan niya muna si Trev na tinanguan siya.

Pinipilipit ko ang mga daliri ko habang sinusundan si Cal ng tingin. Pagkalabas niya ng dorm, bumagsak ang aking mga kamay sa gilid ko.

Kasabay rin nito ay ang pagpakawala ko ng isang malalim na buntong-hininga.

Sapat na ba na ipadala ko si Cal? Ano bang gagawin ko kay Art? Anong sasabihin ko kapag magkikita ulit kami? Hindi ko naman pwedeng kalimutan yung nakita ko, diba?

Napasabunot ako. "Aish!" Malay ko ba na kusa palang mag-aactivate yung ability kong magpabalik ng sugat!

Pero kailan nga ba kasi niya nakuha 'yon?

"What's wrong?"

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Pupunta na sana ako sa kwarto ko para makapag-isip-isip nang marinig kong may tumawag sa'kin.

"Cesia."

Nilingon ko si Trev. "Huh? Bakit?"

Nakakunot ang kanyang noo habang nakatitig sa'kin. "What is it?"

Umiwas ako ng tingin. "W-Wala..."

"You're lying."

"Wala nga sabi-"

Lumapit siya sa'kin nang mabibigat ang bawat hakbang. Nakatutok pa rin sa'kin ang kanyang mga mata, at alam kong wala siyang balak ilipat ang kanyang tingin hanggang sa marinig niya ang sagot na hinihingi niya.

Tumigil siya sa harap ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Anong ginagawa mo?" Nagtataka kong tanong sa kanya nang mapansin kong sinusuri niya ako mula ulo hanggang paa.

"No injuries so what's the matter-"

Marahasan kong kinibit yung balikat ko dahilan na bitawan na niya ako. "Ano ka ba, Trev?! Sinabing wala ngang problema eh!"

Kumurap-kurap siya dulot ng labis na pagtataka. "Then why are you screaming at me-"

"Kasi nakakainis ka na eh! Pwede bang tigilan mo na ako?!" Humakbang ako paatras upang makalayo sa kanya.

"Ako pa papagalitan mo kung bakit nakatakas si Ria tapos ngayon tatanungin mo ako kung may problema ba ako-" Napatahimik ako pagkatapos maramdaman ang isang luha na nakatakas mula sa mata ko.

Naramdaman ko ang aking sarili na unti-unting nalulunod sa kalungkutan kaya niyuko ko ang aking ulo kung sakaling tuluyan na nga akong bibigay sa nararamdaman ko. Ayaw ko kasing makita niya akong nagkakaganito. "Wag mo muna akong kausapin ngayon, Trev."

"I'm not mad at you."

Mas lalo akong naiiyak dahil sa paglambot ng boses niya. Nagui-guilty tuloy ako dahil ako yung unang nanigaw sa kanya.

Ang kapal ng mukha kong sigawan siya tapos umiyak-iyak sa harapan niya.

"I already knew that would happen." dugtong niya. "I just wanted to know why."

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon