Destinations

61.1K 3.4K 1.8K
                                    

Chase's POV

Nakaupo ako sa bandang dulo ng railings ng veranda nang nakasandal ang likuran sa pader.

Nakatupi ang isang tuhod ko kung saan nakapatong ang braso ko, hinihintay ang lalaking animo'y nakapatong sa hangin at lumulutang pabalik sa dorm.

"Hindi na ako nag-abalang sundan ka." sabi ko sa sandaling lumapat ang kanyang mga paa sa sahig.

Hindi siya umiimik, pero hindi rin naman siya gumagalaw kaya alam kong nakikinig siya sa'kin.

Napabuntong-hininga ako. "Hindi mo ako sasagutin kapag nagtanong ako kung nasaan siya." Naglaho ako sa kinauupuan ko at lumitaw sa kanyang tabi. Hindi nagkasalubong ang tingin namin dahil nakaharap ako sa tanawin sa kanyang likod.

"Napansin ko lang kasi ang pagkawala mo pagkatapos kong malaman na hindi mo tinanggap ang misyon na ibinigay ng council."

Kilala ko si Trev, kaya alam ko kung ano ang ibig sabihin kung hindi niya tinatanggap ang isang misyon.

"At kung totoo man itong kutob ko, Trev, alalahanin mo ang pinagsamahan natin." Ibinulsa ko ang aking mga kamay. "Dahil sa oras na may mangyaring masama sa kanya..." Sinulyapan ko siya mula sa sulok ng aking mga mata. "Hinding-hindi kita mapapatawad."

Sa wakas, ay nagsalita na rin siya. "Are you threatening me, Chase?" seryoso niyang tanong.

Ngumisi ako. "With all my heart, bro."

Ilang segundo ang lumipas at humugot lang siya ng hangin bago humakbang papasok sa dorm.

"Huntre's camp." bulong ko sa sarili pagkatapos marinig ang pagsara ng glass panels ng veranda.

Kanina pa ako nakatitig sa direksyon na pinanggagalingan ni Trev at isang lugar lang ang lumabas sa isipan ko.

Bago pa ako madala ng damdamin ko at lumipad patungo doon, nagawa kong kumbinsihin ang sarili ko na umikot at pumasok sa loob.

Alam kong totoo ang sinabi ni Trev, na desisyon ng babaeng 'yon ang umalis at lumayo sa'min, kaya ibibigay ko ang pagkakataong ito para sa kanya.

Wala muna siyang matatanggap na pang-iirita mula sa'kin. Hindi ko muna siya pagti-tripan kagaya ng nakasanayan...

"Chase?"

Nilingon ko si Cesia na siyang tumawag sa'kin. Matagal-tagal niya akong tinitigan saka niya ako nginitian. "Kumain ka na ba?"

"Di pa ako nagugutom."

"Pero di ka rin nakapananghalian eh." aniya. "Okay ka lang ba?"

"Hindi." Ginantihan ko rin siya ng isang ngiti. "Hindi ako okay, Cesia." Isang mapait na ngiti.

Nanlambot ang suot niyang ekspresyon sa mukha. "Babalik din 'yon..."

"Pa'no mo naman nasabi 'yan?"

Sumingkit ang kanyang mga mata at pinadalhan ako ng isang nanunuksong ngiti. "Eh diba mahal ka niya? Syempre babalikan ka."

Natawa ako sa sinabi niya. "Ikaw Cesia ha. Kung ano-ano na lang-" Napahinto ako pagkatapos maalala ang huling sinabi ni Ria sa'kin sa clinic.

'I love you, Chastille.'

At yung halik...

"Alam mo Chase, yang mga katagang 'yan... pangako 'yan eh." dagdag niya dahilan na matiyak kong tama nga ang iniisip ko na alam niya yung nangyari.

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon