Greater Threat

51.6K 3.7K 3.5K
                                    

Cesia's POV

Napasinghap ako at napahawak sa dibdib ko dahil sa pinagsabay na mga emosyon na nararamdaman ko.

Tumagilid ako ng higa at itinukod ang aking braso sa higaan para iangat ang sarili ko.

Umuubo-ubo ako nang ilibot ang aking tingin sa kapaligiran. Nasa clinic ako... pero wala akong naaalala kung paano ako napunta dito.

Kusang nag-iba ang kulay ng aking mga mata dahil sa galit at puot na namumuo sa puso ko.

Kanino naman galing ang mga emosyon na'to?

Hinanap ko ang pinagmumulan nito at nalamang galing ito sa harap ng Academy, sa entrance hall. Pagkatapos, pumikit ako para pakinggan nang maayos ang heartbeats ng mga taong naroon.

"Cal..." bulong ko. "Seht..."

Iminulat ko ang aking mga mata.

Sino yung isa?

"Ah-" Napahawak ako sa ulo ko nang sumakit ito.

"I'm telling you, Trev, it's an emergency-"

Napalingon ako sa direksyon ng pinto at natagpuan sina Kaye at Trev na papasok sana sa cubicle ngunit madaling napahinto pagkatapos akong makita.

Nagtitigan lang kami hanggang sa magsalita ako. "Kailan darating si Zeus?"

Naunang lumapit si Kaye sa'kin. "Oh Gods. I heard what happened. Are you okay?"

Tinignan ko siya nang takang-taka. Wala naman kasi akong alam sa nangyari sa'kin.

"Sino yung kasama nina Seht at Cal sa baba?" Sunod-sunod ang mga katanungan ko. "Anong nangyayari?"

"Leave us, Kaye." utos ni Trev. "Leave us and I will help take care of the mess."

Pabalik-balik ang tingin ni Kaye sa'ming dalawa bago sinunod ang utos ni Trev. Lumabas siya at sa sandaling naisarado niya yung pinto, nagulat ako dahil biglang lumitaw si Trev sa harap ko at niyakap ako.

Napakurap-kurap ako habang dinaramdam ang bisig niyang nakayapos sa'kin.

"Trev?"

Humigpit ang pagkakayakap niya sa'kin.

"Okay na ako..." sambit ko. "Kaya wag ka nang mag-alala..."

Napangiti ako nang mapagtantong matatagalan pa bago niya ako bitawan.

Naramdaman ko ang pagbago ng kulay ng aking mga mata at kasabay nito ay ang pagbago ng kapaligiran namin. Dahil dito, lumayo siya sa'kin at umikot sa kinatatayuan niya.

"Where are we?" tanong niya.

Inilibot ko rin ang aking tingin. "Paborito kong lugar sa mortal realms." sagot ko. "Ito yung park na pinakamalapit sa bahay namin."

"Dito nagpapakita si Aphrodite sa mga panaginip ko bago ako mapadpad sa Academy." Dumako ang aking mga mata sa batang lalaki at babae na naghaharapan malapit sa'min.

"Pangalan lang naman yung hinihingi ko eh!"

"No."

"Sabihin mo yung pangalan mo!"

Humugot ako ng hangin. "Tsaka... dito rin tayo unang nagkilala."

"Sky." malamig na sagot ng batang lalaki sa kausap niya.

Sinundan ko ng tingin si Trev na dahan-dahang napalapit sa kanila.

"As in langit?"

"Yes."

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon