Intentions

58.7K 3.8K 4.3K
                                    

Art's POV

"Cal!" Nilakasan ko ang pagkatok sa pinto. "Yuhoo?" Nagpapadyak ako.

"Hoy- ah, oo nga pala." Ngayon ko lang naalala na nasa'kin pala yung extra key card ng kwarto niya.

'Yon na kasi ang nakasanayan naming gawin sa tuwing nasa mortal realms kami. Nag-e-exhange kami ng susi nang sa gano'n, hindi kami mag-aalala kasi magkahiwalay kami.

Kinuha ko ang key card mula sa aking bulsa at ini-swipe ito sa card reader na nasa pinto.

Actually, si Cal lang talaga yung super duper worried. Gusto niya kasing 'within reach' lang daw ako eh di ko naman alam ibig sabihin no'n kasi palagi naman akong nasa tabi niya.

Pinihit ko ang doorknob at masiglang binuksan yung pinto.

"Good morning!"

Kaso, walang Cal na sumalubong sa'kin.

Ngumuso ako.

Sa'n na naman kaya 'yon?

"Caaaal! Caaal-" Tumakbo ako at napatigil pagkatapos makita si Cal na nakahiga nang nakatagilid sa kama.

What?! Hindi pa siya gising?!

"Hoy!" Lumundag ako at nag-land sa tabi niya. "Gising na!" Tumalon-talon ako sa higaan. "Iiiihhh!" Tumili ako. "Pupuntahan na natin yung fates mamaya!"

Kumunot lang ang kanyang noo. Nakapikit pa rin siya nang hatakin niya yung kumot at tinakpan ang mukha niya.

Napangisi ako. "Hehehe-" Humilata ako sa ibabaw niya. "Cal! Gising na! Wieee!" Gumulong-gulong ako hanggang sa bumagsak ako sa tabi niya at mayamaya'y napabuntong-hininga.

"Cal naman ih..."

Nakatingala ako sa kisame at nakapatong ang aking mga kamay sa tiyan ko. "Ano kaya ang sasabihin ng Fates?" Hindi ko maiwasang mapatanong.

Napansin kong gumalaw si Cal kaya napalingon ako sa kanya.

Nakapikit pa rin ang kanyang mga mata pero hindi na nakakunot ang kanyang noo. Nakaharap siya sa'kin kaya humarap din ako sa kanya.

Itinukod ko ang aking siko sa higaan at inihilig ang aking ulo sa kamay ko.

"Cal..." Pinagmasdan ko lang siya. "Gising na, wuy..." Sinusundot-sundot ko ang balikat niya. "Hindi pa ako nakapag-breakfast ih! Kasi gusto ko sabay tayo!"

"Kung magpahatid na lang kaya tayo ng pagkain dito..." Napaisip ako. "Alam mo yun? Yung breakfast in bed-"

Dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang mga mata kaya napangiti ako. "Hello! Hehehe!"

Napakurap-kurap ako dahil sa uri ng tingin na kasalukuyan niyang binabato sa'kin.

Sobrang suspicious kasi nito, na para bang may nakatagong meaning. "Ba't ganyan ka makatingin sa'kin, huh?"

Nanlaki ang aking mga mata.

Oh my Greece! Kaya ba naipanalo namin yung rebellion kasi hindi pa siya nakasubok ng ambrosia?

What if secret idol niya pala yung drug addict na anak ni Hermes?

Napasinghap ako.

At ngayong tapos na yung digmaan...

Oh no!

"C-Cal?" Nanginginig ang boses ko. "Yung totoo, humihithit ka na ng Ambrosia, no?"

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon