SC: Destiny

54K 3.6K 3.9K
                                    

Kaye's POV

Even before hearing the explosions, my heart was already racing fast.

I can't dismiss the thought out of my head.

Nanatili akong nakatayo sa gitna ng jail cell. I bit my lower lip and clenched my fist.

Natatakot ako.

"Goddamn it, Kaye." bulong ko sa sarili. "Ayusin mo yung sarili mo."

Hindi ako pwedeng matakot- ba't nga ba ako natatakot?

'You're the only one I know who's scared of Destiny, Kaye.'

Pumikit ako sabay iling. "No, it can't be."

"It's all... just..." Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. "C-Coincidences-"

'Time and Chaos exist. So why not Destiny?'

"B-But I don't want to believe in Destiny..." Tuluyan na nga akong nanghina pagkatapos mapaisip sa posibilidad na ang kaisa-isang kinatatakutan ko ay nasa harap ko lang pala.

It took me a while to collect myself. Lumabas ako ng kulungan nang nanginginig ang mga kamay na agad kong itinago sa aking likod.

Nanlalamig ang buong katawan ko, at alam kong dahil ito sa takot.

Otomatikong sumayad sa sahig ang aking tingin nang lingunin ako nina Slade at Hector na nasa gitna ng hallway.

Whatever happens, Kaye, don't look at him.

Mayamaya'y narinig ko ang yabag ng mga paang tumatakbo papalapit sa'min kaya inangat ko ang aking ulo at nakita si Kara.

My eyes immediately fell on the golden shield on her left arm.

"Where are the others?" tanong ni Hector.

"Grabbing their weapons." sagot naman ni Kara. "We should go now."

"But this isn't a part of the plan, right? We were supposed to trap the gods in two layers of trance." ani Hector. "And then we escape."

"Sabihin nalang natin na may isa sa'min na hindi namin nagawang pigilan."

Narinig ko ang boses ni Dio kaya sumilip ako sa likod ni Kara at nakita siya na naglalakad patungo sa'min, nakasunod sa kanya yung iba na dala-dala ang weapons nila.

"Eh kasi naman eh!" sigaw ni Thea.

"Hmm." Umangat ang kilay ni Hector. "It's Thea's fault, isn't it?"

"Aba gago-" Itinaas ni Thea ang weapon niya at akmang ipahilig ito kay Hector nang padalhan siya ni Kara ng nakakamatay na tingin.

"Stop it, Thea." pagbabanta ng anak ni Athena sa kanya.

"Tch." Ibinaba ni Thea ang kamay niya saka inirapan si Hector.

Pagkatapos, napatingin kaming lahat sa kisame nang gumalaw ito kasabay ang sunod-sunod na mga pagsabog.

"We have to go before the entire building gets destroyed." ani Seht.

"Oo nga." sang-ayon ng kambal niya. "Nasa basement pa naman tayo."

"Pero saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Si Cesia lang ang makakasagot n'yan." Dio replied. "But we need to get out of here now, unless, you want to be buried alive."

"I'm actually fine with that." Kumibit-balikat si Hector.

Nakita ko kung paano sabay na nagbago ang kulay ng mga mata nina Cal at Seht dahil sa inis.

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon