Asleep

67.6K 3.9K 2.3K
                                    

Dio's POV

The moment I opened my eyes, I threw myself out of the bed.

"Shit." Napamura ako pagkatapos lumundag sa pinto. "Cesia."

Muntik na 'yon.

Muntik na akong madala sa panaginip ko.

I've been dreaming the same dream for several nights now. Sometimes, even when I'm awake, I can hear my mother's voice calling out to me.

Hinawakan ko ang kamay ko na nakakapit sa pihitan para pigilan ang panginginig nito.

From the distance, I could still my mother's voice blaming me for what happened.

Umiling-iling ako saka binuksan ang pinto.

Paglabas ko, bumungad sa'kin sina Art at Thea na duguan ang mga kamay. Nakapatong sa balikat ni Thea si Galatea na nakatakip ang mga palad sa mukha at humahagulgol ng iyak.

Bumukas rin ang pinto ng kwarto ni Chase at lumabas si Seht na katulad ko, ay takang-taka rin sa nakikita.

Lumapit ako kay Art. "Art-" Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya. She was mumbling words I can't fully understand. "Art!"

She didn't look like her usual self.

"Art! What happened?!" I shook her shoulders violently to force her back to reality.

Kumurap-kurap siya. "S-Si Cesia-"

Nilingon ko ang tinuro niya at nakita ang nakabukas na pinto ng kwarto ni Cesia. Nagmamadali akong pumasok dito at natagpuan si Kara na katulad nina Art at Thea, ay nabalot din sa dugo ang mga braso't kamay.

"Kara-" I took a step back after realizing where all the blood came from.

In the middle of the bed, Cesia was lying with her eyelids tightly shut. There was blood coming out of the corners of her eyes, as well as from her nose, mouth and ears.

"Cesia-" Tinapik-tapik ni Kara ang pisngi niya habang paulit-ulit na tinatawag ang pangalan niya. "Cesia!"

"No." bulong ko nang magsimulang lumitaw ang napakaraming sugat sa katawan ni Cesia at dumanak ang dugo sa higaan niya. "There's no way-"

I stumbled my way towards the bed. "Where the fuck is Trev?!"

Mula sa labas, narinig ko si Art na sumagot. "Naka-lock yung kwarto niya ih-"

Lumakas ang iyak ni Galatea at nakisali na rin si Thea dahilan na ma-out of focus ako sa eksenang nakatumbad sa harap ko.

"Move." tugon ko kay Kara at yumuko sa tabi ni Cesia. "I'm bringing her to the clinic."

"I already tried, Dio."

Nakakunot ang aking noo nang lingunin si Kara. "What?"

"I tried but I couldn't."

At dahil wala akong maintindihan sa sinabi niya, pinagpatuloy ko ang balak kong buhatin si Cesia dahil napagdesisyunan kong ako na mismo ang magdadala sa kanya sa clinic.

Although I managed to lift her up, it was only just for a few seconds.

Hindi ko alam kung anong nangyari.

I was able to touch her, and feel her weight... until I didn't.

For a moment, her body disappeared and fell back on the bed.

Napatingin ako sa duguan kong mga braso na nakaangat pa rin, nanatiling nasa aktong may binubuhat.

What just happened?

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon