Distance

69.5K 3.5K 1.9K
                                    

Thea's POV

Kumunot ang aking noo pagkatapos makaramdam ng lamig sa ibabaw ng tiyan ko. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at nakita si Seht na may dinampi-dampi na ice pack dito.

Gusto ko siyang hawakan... pero wala pa akong lakas na i-angat yung kamay ko. Kahit yung mga daliri ko, hindi ko pa kayang igalaw.

Sa huli, wala akong ibang nagawa kundi ang pagmasdan siya.

Una kong napansin ay hindi niya suot yung puting coat niya. Ibig sabihin, tapos na yung shift niya sa clinic...

Pero nandito pa rin siya para asikasuhin ako.

"Cold compress..." Tinanggal niya ang ice pack at inilipat ito sa trolley na nasa tabi niya. "Then pressure-" Napatigil siya bigla. "Wait. Where are the bandages?"

Napangiti ako habang pinapakinggan siya na bumubulong-bulong sa sarili.

"I swear I put it in here. If not, then where?"

Parang baliw lang ah.

Tumalikod siya saka yumuko para buksan ang mga drawer nung trolley samantalang ako naman, nagpipigil ng tawa.

Pa'no ba kasi, nasa kabilang gilid ng higaan yung hinahanap-hanap niya eh hindi lang niya nakikita kasi nagbe-blend-in ito sa puting bed sheet at kumot.

Mabuti nalang at malapit ito sa kamay ko kaya ako nalang ang kumuha nito. Nakayuko pa rin siya at nakatuon ang buong atensyon sa paghahanap kaya hindi niya ako napansing umupo.

Pagkatapos, napahikab ako.

"Ito oh." Inabot ko sa kanya yung bandage.

Dahan-dahan siyang tumayo at humarap sa'kin.

"Thea?"

Bumagsak ang aking kamay nang bigla itong nawalan ng lakas. Nabitawan ko rin yung bandage kaya't nahulog ito.

"Ang slow mo. Nahulog tuloy-"

"Don't... move."

Kumurap-kurap ako. "B-Bakit?" Nanlalaki ang aking mga mata. "M-may ahas ba na gumagapang sa katawan ko-"

Tumango siya.

Napalunok ako. "Tangina Seht- ba't may ahas na naman-"

Tinapat niya ang kanyang hintuturo sa bibig niya bago ako nilapitan. "Shh..."

"Hindi na nga ako gumagalaw eh! Ampota-" Na-trauma na ako noong nakagat ako ng ahas sa gitna ng daan kasi hindi ako nakinig sa kanya kaya syempre! Makikinig na ako no?!

Tumili ako nang pabulong. "Seht! N-Nasa'n yung ahas- Kunin mo!" Naiiyak na ako. "Seht naman eh! Ayoko naaa!"

"Be quiet."

"T-Tatalon ako." nanginginig kong sabi. "Tatalon na talaga ako! Umalis ka diyan!"

"No. Wait-"

"Utang na loob, Sebastian!"

"I said don't move. There's something wrapped around you."

"Ano nga?!"

Nginitian niya ako. "Me."

Pagkatapos, nagulat nalang ako nang bigla niya akong niyakap. Ibinaon niya ang kanyang ulo sa leeg ko at hinigpitan ang pagkakayapos sa'kin.

"You're awake." Narinig kong bulong niya. "I thought I was losing you."

Napabuntong-hininga ako. "Tinakot mo pa ako eh kabubukas ko lang ng mga mata ko..." Palihim akong ngumiti. "Anong klaseng doktor ka ba, ha?"

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon