Battlefields

59.2K 3.7K 4K
                                    

Thea's POV

"T-Teka lang." Napatukod ako sa aking mga tuhod habang humahangos. "Time out muna."

Ito na siguro ang unang beses na nakapag-exercise ako. Nasa tuktok naman kasi ng bundok ang pupuntahan namin, ang Acrocorinth. Dumaan pa kami kanina sa excavation site ng Ancient Corinth pero wala kaming nakitang kakaiba. Pinalibutan lang kami ng nakakalat na mga bato doon, at mga sirang istraktura, katulad nung temple ni Apollo na mabibilang na lang ang pillars na nakatayo.

"Gusto mo ng tubig?" Inabot ni Art ang tumbler niya.

Tinanggap ko ito.

Nakasuot ako ng sleeveless at shorts. Sinabihan kasi kami ni Kara na maghanda ng damit na pang-hike, at para kumpletuhin ang aking hiking outfit, suot ko ang isang pares ng rubber shoes na kulay black, kasingkulay ng cap na nasa ulo ko ngayon.

Ibinalik ko kay Art ang tumbler pagkatapos uminom ng tubig mula rito.

Huminga ako nang malalim at inayos ang cap ko. "Alright. Handa na akong mang-holdap-" Napatigil ako saglit. "Mag-hike pala. Buwisit."

May tatlong gateways ang Acrocorinth. Nasa tuktok ang pangatlo, ibig sabihin, kailangan kong mag-ipon ng sapat na stamina para makaabot na ako do'n. Paano ba kasi, kararating lang namin dito sa first gateway pero nauubusan na ako ng hangin.

Parang palasyo na nakalatag sa tuktok ng bukid ang Acrocorinth. Pinalibutan kami ng pader na gawa sa bato.

Lumipas ang ilang minuto ng pagha-hike nang nakakapit kay Seht, nakarating na rin kami sa huling gateway na nasa pinakatuktok.

Hinatak ko si Seht dahilan na mapahinto siya. "Hoo! Grabe!" Nakayuko ako habang humuhugot ng hangin dulot ng matinding pagod. "Di ko na kailangang mag-exercise! Wooh! Tangina! Nakakaproud! Woooooh!"

Gusto ko sanang tapikin ang sarili kong balikat pero wala na akong lakas i-angat ang kamay ko kaya sa isip ko nalang pinuri ang sarili ko.

"Do you want me to carry you?" tanong ni Seht.

"Wag na." Humihingal pa rin ako at nakakapit sa braso niya. "Maya mo nalang ako buhatin kapag papasok tayo ng kwarto-" Umubo-ubo kong sagot.

"What are you saying?" aniya. "Wala akong naiintindihan."

Napalunok ako saka tumayo nang maayos. "Okay na ako..." Inangat ko ang dulo ng damit ko at yumuko para punasan ang aking noo gamit ito.

"Thea!" Agad namang ibinaba ni Seht ang kamay ko. "You're lifting it too high."

"Oh bakit may dala ka bang bimpo? panyo? huh? huh?" Sinamaan ko siya ng tingin.

Matagal-tagal niya akong tinitigan bago umatras nang isang hakbang. Yumuko siya sabay hatak ng kanyang t-shirt mula sa likuran.

Umangat ang aking kilay pagkatapos niyang hubarin ang shirt niya. Otomatikong gumalaw ang kamay ko at napatakip ng bibig.

Sabi ko na nga bang worth it ang hike na'to.

Malayang dumako ang aking mga mata sa bawat sulok ng katawan niya.

"Here, use this." Inabot niya sa'kin ang t-shirt niya. "I don't sweat that much so..."

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon