Castles

61.2K 3.7K 3.4K
                                    

Ria's POV

Napangiwi ako sa sakit nang maramdamang may gumagalaw sa binti ko.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nakita ang isang matandang babae na nakatayo sa gilid ng higaan at may pinapahid sa sugat ko.

Naramdaman ko ang pag-iba ng kulay ng aking mga mata, saka ako nag-summon ng dagger.

Tumalon ako mula sa higaan. Naramdaman ko ang pagkirot ng sugat ko dahil sa ginawa ko pero hindi ito naging hadlang para lumundag ako sa likod ng babae at ipinulupot ang aking braso sa kanyang leeg.

"Where am I?!" Tinapat ko ang blade sa leeg niya. "Where the hell am I?!" Diniin ko ito sa kanyang balat. "Answer me!"

I didn't get an answer. All I can hear is her nervous breathing.

Inilibot ko ang aking paningin. The room was huge and filled with elegant furnitures. May balcony din na may marbled railings. The curtains were maroon as well as the cushions of the chairs and sofa in front of a fireplace. Sa itaas ng fireplace, ay may malaking flatscreen TV.

Nakahawi ang kurtina ng malaking balcony kaya nakapasok ang liwanag mula sa labas. The glossy floor reflected light from outside the balcony, brightening the peach-colored walls.

What the hell?! Asan ba ako?! At pa'no ako napunta dito?!

Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa dagger. "I said answer me!"

Narinig ko ang marahas na pagbukas ng pinto, at sumunod ang pamilyar na tinig ng isang lalaki.

"Gago ka ba Ria?! Wag yung yaya ko!" sigaw niya.

Hindi ko pa rin binibitawan ang matandang babae nang lingunin ko si Chase na nakatayo sa may pintuan.

Nagkasalubong ang aking kilay. "Chase?!"

Lumitaw si Hermes na nakasuot ng bathrobe sa tabi ni Chase. "What is all this commotion-" Nanlaki ang kanyang mga mata pagkatapos mapatingin sa'min.

Ano namang ginagawa ng God na 'yan dito?!

Napasinghap siya. "Nanay!"

Ano daw?

Lumiwanag sa pwesto niya at nagpalit siya ng kanyang anyo. Nakasuot na siya ngayon ng puting chiton at gintong sandals na may maliliit na pakpak. "Get your filthy blade away from her, you ungrateful child!"

I blinked several times. "What the hell is all this?!"

"You're in my residence you-" He looked at the old woman locked in my arm and with a dagger on her throat. "Huwag kang mag-alala, Nanay. Anak yan ni Ares, 'yong lalaking bumibisita lang dito para manghagis ng mga kutsilyo."

Binaba ko ang aking kamay.

I'm in his residence?

Binitawan ko ang matandang babae na napag-alaman kong katulong pala nila.

"H-How did I get here?" Naglaho na ang weapon sa aking kamay.

"Now..." Hermes cleared his throat and changed clothes again. This time, nakasuot na siya ng business attire. "I shall excuse myself. I am late for a corporate meeting."

Sinamaan niya ako ng tingin bago naglaho.

Tinignan ko si Chase nang nagtakaka. "Chase?"

Napabuntong-hininga siya at lumapit sa'min. "Yaya, pakihanda nalang ng pagkain para sa babaeng 'to."

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon