A Student

63.1K 3.4K 1.3K
                                    

Cesia's POV

Umupo ako sa sofa at tinignan ang litratong nakalatag sa mesa.

"Is that your father?" tanong ni Galatea na nakatayo sa tabi nito. "His face is the same as the one that Elpis showed us, but a little bit younger."

"Oo, tapos ito si Auntie, yung nagpalaki sa'kin." Itinuro ko ang babae na nasa gitna.

"How about the other one? Sino 'yan?" Ang tinutukoy ni Galatea ay ang lalaking nasa kabilang dulo ng litrato.

"Ama ni Kara..." sagot ko. "Magkakilala sila."

Nakuha ko ang litratong 'to noong nasa mortal realms ako kasama sina Trev at Galatea para maghanap ng mga bagay na iniwan ni Auntie para sa'kin. Kaso nabitawan ko ito dahil sa mga giants na umatake sa'min.

Si Kara ang nakapulot nito... at ibibigay niya sana ito sa'kin kaso ibinigay ko ito sa kanya nung sinabi niyang kasama dito sa litrato ang ama niya.

Nakita ko sa mga ala-ala ni Kara kung saan niya ito inilagay kaya isang oras pagkatapos nilang lumuwas sa Greece, kinuha ko kaagad ito sa kwarto niya.

"May sinabi si Mnemosyne sa'kin... na nagkakilala silang lahat."

"Sino?"

"Mga magulang namin."

"Paano?" ani Galatea.

"Hindi paano, Galatea." sambit ko. "Kundi bakit." Matagal-tagal kong tinitigan ang pagmumukha ng tatlong tao na nasa litrato.

"Hindi naman kasi kailangang magkakilala yung mga magulang namin eh." dagdag ko. "Kaya bakit magkakilala sila?"

"Kaya ba hindi ka sumama sa Greece? Para dito?" Umupo si Galatea. "I'm going to guess all these questions started after Elpis showed us what happened to Gabriel."

Napabuntong-hininga ako. "Sinabi ni Elpis na may ibang digmaan na nagaganap sa panahong 'yon."

"You mean the war against himself? Against his own weakness?"

"Mmm..." Tumango ako. "Baka kasi yung nangyari kay papa, ay ang nangyayari sa'min ngayon."

"B-But Cesia..." Nanghina ang kanyang boses. "He died, which means he lost."

Binaba ko ang litrato. "Nakita mo kung gaano siya ka makapangyarihan, diba? Imposibleng mapatay siya ni Eris nang ganun-ganon lang."

Nagawa kong labanan sina Eris, Hecate at Nyx. Alam kong magkaiba kami ng ama ko dahil may dugong Aphrodite ako, pero sa pagkakaalam ko, mas makapangyarihan pa rin ang isang half-titan.

Nakita ko ang kapangyarihan niya... at ang tanong ko lang ay kung bakit hindi niya ito ginamit para makatakas? Kaya niyang takasan ang rebels at magtago o di kaya'y humingi ng tulong sa Olympians, kaso hindi...

Dahil hindi niya ginawa.

"Are you telling me it was his intention to die all along?"

Hindi ako sumagot at hinayaang ang katahimikan ang sumagot para sa'kin.

"If it's true that he chose to die, then why?"

"Hindi ko alam pero nangyari na 'to sa'kin dati, sa huling digmaan." sagot ko sabay tingin kay Galatea. "Kinailangan pa akong patayin ni Trev para ma-trigger yung pagbabago ng kulay ng mga mata ko."

"Hindi ko alam kung bakit kinailangan ko pang mamatay para mangyari 'yon, pero 'yon ang sabi ni Mnemosyne."

"Which means?"

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon