The Saint of the Cerulean Seas

41.6K 2.8K 1.4K
                                    

Dio's POV

I gasped for air when I reached the surface of the water.

How long was I under there?

I swam to the nearest coast.

Ginulo ko ang buhok ko nang makaahon na nga ako sa dagat. I glanced at the blue shirt on the huge rock. Saka ako lumapit dito at isinuot ito. Kinuha ko na rin ang surfboard na nakasandal sa tabi nito.

Kinawayan ako ng mga babae na naliligo kaya nginitian ko sila.

Nang makatalikod na ako sa kanila, ay napasimangot ako.

"Ikaw naman pala 'yan." Nakangiting tugon ng matandang babae na nagmamay-ari ng karenderia na parati kong kinakainan. "Adobong pusit pa rin ba?"

Sumingkit ang aking mga mata nang lumabas sa aking isipan si Cetus.

Umiling ako. "Daing na bangus muna sa ngayon."

Isinandal ko ang surfboard sa tabi ko bago maupo sa bench sa harapan ng tindahan. Habang naghihintay sa pagkain, isang batang lalaki ang umupo sa tabi ko.

"Adobong pusit po." malamig niyang sabi.

Umangat ang isang sulok ng aking labi.

"Troy?" sambit ko dahilan na mapalingon siya sa'kin.

Kumunot ang kanyang noo. "Oh?"

Muli akong humarap sa aleng na naghahain ng pagkain. "Do you know the myth about the Kraken?"

Gano'n din ang ginawa niya. He gave me a bored look before facing front. "That's Norse Mythology." 

"Cetus." I finally said. Needless to say, nakuha ko ang atensyon niya. "A sea monster from Greek mythology."

"Alam ko." sagot niya.

"Yeah, well..." I gently clasped my hands once the food arrived in front of me. Tinanggap ko rin ang kutsara't tinidor na inabot sa'kin. "You're going to meet that creature, someday."

"Anong ibig mong sabihin?" nagtataka niyang tanong.

"He's going to be your friend." I chuckled lightly. "You're going to save Cetus, and that huge octopi will help you save others as well."

Nagsimula na akong kumain. "A lot of us need saving, Dio."

Halatang ikinagulat niya ang pagbanggit ko ng pangalang 'yon. Si Mama lang naman kasi ang tumatawag sa kanya no'n.

He doesn't know it yet, but a lot of people will call him that name soon.

"S-Sino ka?" He sounded alarmed.

Nilapag na ang pagkain sa harap niya ngunit nakatuon pa rin siya sa'kin.

"I am..." Nag-isip-isip ako ng maisagot. "Someone who knows you."

"Are you my dad?"

Tuluyan na nga akong nabulunan sa sinabi niya.

"What the-" Nilingon ko siya. "No!"

"Good." puna niya. "I don't like you."

I clenched my jaw while tightening my grip of the spoon and fork. Then, I whispered, "Maybe I do really have a habit of getting on everyone's nerves..."

Huminga ako nang malalim at nagbuga ng hangin. Napatuloy na rin ako sa pag-kain. "Where's your mother?"

"Work." matipid niyang sagot.

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon