Trust

65.7K 3.7K 1.9K
                                    

Cesia's POV

Dumiretso ako kay Thea na nasa higaan pagkapasok ko ng cubicle.

Hinawakan ko ang nanlalamig niyang kamay. Pinikit ko ang aking mga mata at nagsimulang pakinggan ang heartbeats niya.

"At sa'n nya naman nakuha yung sugat niya?"

Binuksan ko ang aking mga mata matapos marinig ang boses ni Art na kapapasok lang.

Bahagya ko siyang nilingon. "Sugat?"

Tumango-tango siya sabay duro kay Thea. "Diyan. Sa tiyan niya. Kaya ako lang ang makakakita kasi nasa loob yung source ng pain niya. Walang sugat sa balat pero sa ilalim nito, meron."

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka kong tugon.

Tinignan ko si Kara na kasabay niyang pumasok at sa kasalukuya'y humahakbang papalapit sa'kin para matignan na rin si Thea. Dahan-dahang dumapo ang kanyang palad sa bandang tagiliran ng tiyan nito. "Someone must've hurt her in a trance."

"Or her soul could've gone somewhere else where she was hurt." ani Dio.

"But the point is, she's fatally wounded." Tinignan ako ni Kara. "Cesia? Didn't you feel her pain?"

Yumuko ako at umiling-iling. "Wala akong naramdaman..."

Bumukas yung pinto at ibinunyag sina Trev, Cal, at si Seht na nakasuot ng long coat. May bitbit rin siyang isang tray ng mga gamot.

"Excuse me." Dinaanan niya kami at ipinatong ang dala niya sa mesa katabi ng higaan. Habang inaayos ito, hindi ko naiwasang mapansin ang sariwang mga sugat sa magkabila niyang kamao. Inilihis ko ang aking tingin at inilipat ito kay Trev na kanina pa nakatitig sa'kin.

"Bakit?" bulong ko.

Lumapit siya sa'kin. "You're not hurt?"

Umiling ako. Alam kong mali ang magsabi nito, pero... "Sana nga nasaktan rin ako."

"Cesia." Seryoso niyang sabi. "Three of us are already in the clinic, unstable. The Alphas cannot afford losing one more member."

"You will lose another one of you."

Nagulat kami sa biglaang pagdating ni Kaye. Isa-isa niya kaming tinignan. "Hangga't hindi niyo mahanap ang may kagagawan nito, malaki ang posibilidad na unti-unti tayong mauubos."

"Can you talk about that outside?" ani Seht nang hindi kami nililingon.

Nag-abot ang aking kilay dahil sa sinabi niya. Ibang-iba kasi ang tono ng boses niya. Nakakapanibago.

Sinenyasan kami ni Trev na lumabas kaya nagsilabasan kaming lahat maliban kay Seht na inaasikaso pa si Thea.

Nakasunod lang ako kay Kara nang pakinggan ko ang heartbeats mula sa cubicles nina Ria at Chase. Napagtanto kong stable pa rin ang heartbeats ni Chase, ibig sabihin, natutulog siya.

Pero si Ria...

Huminto ako. "Mauna muna kayo." Nginitian ko sila. "Bibisitahin ko lang si Ria."

Tinanguan nila ako kaya't tumungo na ako sa kwarto kung saan ko natagpuan si Ria na nakatayo't nakadungaw sa bintana imbes na nakahiga sa higaan niya.

"Maganda ba yung view?" natatawa kong tanong. Ngunit madaling napawi ang ngiti ko nang sagutin niya ako.

"Mas maganda kung makalabas ako dito."

Otomatikong tumigil ang aking mga paa. Napabuntong-hininga ako bago muling humakbang tungo sa kinatatayuan niya. "Ria? masama pa rin ba yung pakiramdam mo?" Akmang hahawakan ko yung balikat niya pero naunahan niya ako at agarang hinawakan ang braso ko.

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon