Let Be

61.7K 3.7K 5.3K
                                    

Thea's POV

Hindi matanggal ang aking mga mata mula sa mga ulap na dinadaanan namin.

Kakasikat lang ng araw, at mamayang tanghali pa kami makakarating sa Pilipinas. Dapat kasi hapon, kaso may isa sa'min na inip na inip na at pinilit si Kara na bilisan ang takbo ng eroplano dahil kung hindi, siya na raw mismo ang magtutulak nito gamit ang hangin.

Gusto ko sana ang idea na 'yon hanggang sa sabihin niyang byahe ito papuntang Underworld.

Naramdaman kong may gumalaw sa tabi ko kaya napatingin ako kay Art na nakakunot ang noo habang natutulog.

"Blobblebutt... twinny... wag... away..."

Intinapat ko ang aking bibig sa tenga ni Art. "Art, mabait si Seht, di 'yan nang-aaway..."

Naging magaan ang eskpresyon sa kanyang mukha saka siya bahagyang napangiti. "Hmm..."

Nagkaroon ako ng ideya kaya muli akong lumapit kay Art at bumulong, "Hala! Sino yang kasama ni Cal na babae? Di yan si Art ah."

Naging kakaiba ang kanyang ngiti na ipinagtaka ko.

"Ayan. Wala na siya. Hehehe..."

Hindi na ako nag-abalang tanungin si Art kung ano ang ginawa niya sa babaeng kasama ni Cal sa panaginip niya.

Kunwari hindi ko narinig 'yon mula sa kanya.

Tumayo ako at pumunta sa dulo ng aisle kung saan naroon ang maliit na ref.

Binuksan ko ito at nalamang naubos ko na lahat ng desserts na binili ko para sa trip na'to. Imbes na matulog sa byahe, kumain lang kasi ako nang kumain.

Okay lang naman siguro na mag-stress eating ako sa mga panahong 'to since ini-istress kami ngayon ng buong mundo.

Walang deity ang manghuhusga sa'kin. Kung meron man, mauna na sana silang maglaho.

Sinarado ko ang ref at bumungad kaagad si Seht na nasa tabi nito.

"Problema mo?" tanong ko.

"I was already here before you opened the fridge." aniya. "You didn't even notice."

Nakapameywang ako. "Tumama ba yung pinto ng ref sa mukha mo?"

Umiling siya.

"Yun naman pala. Akala ko kailangan ko pang mag-sorry." sabi ko saka tumungo sa katapat na counter kung saan naroon ang sliced bread at strawberry jam.

"Can I ask you something?"

Binuksan ko ang jam at kumuha ng butter knife. "Teka lang. Wala pa ako sa mood makipag-usap sa ibang nilalang. Di pa kasi ako nakakain."

Wala akong narinig na ingay mula sa kanya hanggang sa matapos ko ang paggawa ng sandwich.

Isang beses akong tumakam dito bago harapin si Seht. "Sige. Pwede na."

"Do you like me?"

Agad kong nabitawan ang sandwich at maluha-luhang nabulunan pagkatapos marinig 'yon.

"G-Gago-" Umuubo-ubo kong sabi habang pinapalo ang dibdib ko.

"It's okay if you don't-"

"Ano bang klase ng tanong 'yan?!" Sinadya kong ipahalata sa kanya na galit ako sa tanong niya.

"I... I'm sorry." Dumapo ang kalungkutan sa kanyang mukha kaya nagsisi kaagad ako sa ginawa kong pagsigaw.

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon