Recovered

62.5K 3.4K 2.3K
                                    

Dio's POV

Walang umiimik sa'ming tatlo habang naglalakad sa gitna ng nangungulimlim na hallways ng Academy. Hatinggabi na at kasama ko sina Trev at Cal papuntang clinic. We just got back from a one-day mission and we're the first ones to receive the news.

Sinalubong kami ni Seht pagkapasok namin.

"Nagsasalita na ba siya?" tanong ko.

"He did... until he found out about Ria." Bumagsak ang kanyang tingin sa sahig. "I'm sorry. He asked me to tell the truth."

"You shouldn't have." tugon ko.

"Then what do you want me to say, Dio?" Aniya, nanlilisik ang mga mata. "That Ria went on a vacation? Huh?"

Naramdaman ko ang isang kamay sa balikat ko kaya bahagya akong napalingon kay Trev. Napabuntong-hininga ako saka tinapik ang kamay niya.

Binigyan ko ng mapait na ngiti si Seht at sinenyasan siyang mauna. "Lead the way."

Sinundan namin siya patungo sa cubicle na kinaroroonan ni Chase. Tinignan niya muna kami bago buksan ang pinto.

Nadatnan namin si Chase na nakahiga. Sinulyapan niya kami bago ilihis ang kanyang tingin mula sa'min. Napansin ko rin ang nakakuyom niyang mga palad.

Damn. He must've had his fists tightly clenched for a long time. His knuckles were already as white as the sheets.

"Chase." Humabang papalapit si Trev sa kanya.

"Wag n'yo akong lapitan."

Hindi natinag si Trev sa sinabi ni Chase at tuluyang tumabi sa gilid ng higaan.

"You have to recover fast." dugtong ni Trev. "We need you."

Narinig namin ang mahinang tawa ni Chase. "Kailangan niyo ako pero yung kailangan ko wala dito." He gave us an annoyed smirk. "Pinabayaan niyo siya. Hindi niyo man lang ba naisip 'yon, Trev? Na mag-isa siya ngayon?"

Na-alarma kami nang bigla siyang umangat mula sa pagkakahiga at mahigpit na hinawakan ang braso ni Trev. "Wala siyang kasama! Hindi niyo ako naiintindihan kasi dapat andyan ako para sa kanya eh! Nangako ako!"

Mahinahong hinawakan ni Trev ang kamay niya. "She chose to leave. It was her decision."

"At nasa'n ba kayo bago niya napagdesisyunang umalis? Ha?!" Marahas niyang binitawan si Trev. "Sino bang kasama niya sa mga sandaling 'yon?!"

Napalunok ako. Mukhang alam ko na ang susunod na mangyayari.

"Nang maipakita ko sa kanya kung gaano siya kawalang kwenta-"

Narinig namin ang paghampas ng kidlat sa labas. The next thing we saw was Chase pinned to the wall, a few inches above the floor, thanks to Trev's hand around his neck locking him in place...

And possibly choking him- "Trev!" Kinuha ko ang atensyon niya bago pa mabawian ng hangin si Chase dahil sa pinanggagawa niya. "Let him go, bro."

Chase released a chuckle. "It was Cesia, wasn't it?" He coughed a few times. "Tignan natin kung anong magiging reaksyon mo kung-" Humugot siya ng kaunting hangin. "K-kung ilalayo ko siya s-sa'yo."

Trev's eyes went from the darkest black to lightning blue before settling into gold.

And I knew we were the first to see his eyes like that.

"Do not defy me, son of Hermes."

"That's enough, Trev." ani Seht. "You're making things worse."

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon