Disconnected

65.1K 3.5K 1.3K
                                    

Art's POV

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. "C-Cal..." bulong ko at tinuyo ang nag-iisang luha na tumakbo sa aking pisngi.

Tumagilid ako at niyakap nang mahigpit ang unan na katabi ko bago isubsob ang aking mukha dito at humagulgol ng iyak.

Hindi pa nga lumalabas yung araw at ganito na ako.

Bakit ko na naman kasi napanaginipan yun? Tapos na yun ih! Ganu'n nalang ba ako ka-bitter? Huh?

Humikbi ako. "A-Ayoko..." Ayokong maramdaman ulit yung naramdaman ko sa mga sandaling yun dahil ayokong maulit yun ih! "Huhuhu! Ayoko n'un... Ayoko! Ayoko!" Umiling-iling ako. "Ayoko! Aaaahhh!!" Tumili ako dulot ng sama ng loob sabay tapon ng unan sa may cabinet ko.

Biglang sumakit yung ulo ko dahilan na mahulog ako mula sa higaaan. Gumulong-gulong ako sa sahig habang mahigpit na nakakapit sa aking buhok.

"T-Tigil... P-Please..."

Madali akong binawian ng hangin dahil sa lungkot na ewan ko ba kung saan galing. Sinundan ito ng umuugong na tunog. Paulit-ulit kong sinasapak ang ulo ko pero mas lalo lang itong lumalakas.

Tinignan ko ang aking palad at nakitang lumiliwanag ito. "T-Tama na..." Dali-dali akong tumayo at nalamang buong katawan ko ang lumiliwanag. "Tama na..." Marahas kong kinalmot ang magkabilang braso ko, nagbabasakaling matanggal yung liwanag na pilit tumatakas mula sa balat ko. "Tama na! Ayoko!"

"Ce-Cesia..." Napasinghap ako at padaskol-daskol na tumungo sa nakasaradong pinto. "Cesia!" Hindi pa ako nakaabot nang bigla akong napaluhod. "C-Cesia-" Tila sinasakal ako ng sarili kong kapangyarihan. "T-Tulungan mo'ko..."

Tumigil sa pag agos ang mga luha ko sa sandaling naramdaman ko ang pag-iba ng kulay ng mga mata ko.

Bumalik na rin ang hangin sa'king sistema. Ngunit bago pa ako tuluyang madala sa nararamdaman ko, mahinahon akong lumapit sa bintana. Matagal-tagal kong tinitigan ang maliwanag na buwan bago kunin ang kutsilyo na nakapatong sa drawers ko.

Inangat ko ang kaliwang braso ko. Nakita ko ang sarili kong repleksyon sa blade ng dagger nang isaksak ko ito sa aking pulso. Wala akong naramdamang sakit. Marahil, kinakain na kasi ako ng kapangyarihan ko. Kaya bago pa sumarado ang sugat, hinatak ko ang blade sa ibabang direksyon.

Nakatulala ako habang tinitignan ang napakaraming dugo na lumabas at tumutulo sa siko ko.

Muli akong napatingin sa buwan na sa kasalukuya'y nagtatago.

Sa kanya ko lang binubulong ang nangyayari sakin gabi-gabi. Pero pati siya pala ay ayaw na akong pakinggan.

Bumaba ang aking tingin sa kabilang braso ko.

• • •

"Are you okay?" bulong ni Cal sa'kin.

Magkasama kami ngayon sa kusina, nag-aalmusal.

Nasa sala naman sina Dio at Trev. Samantalang si Kara, nasa veranda, nagbabasa ng libro.

"Yips!" Nginitian ko siya. "Bakit?"

"Are you cold?"

Napatingin ako sa suot kong sweater. "Luh!" Ngumuso ako. "Hindi ba bagay? Bago pa naman 'to ih..."

"It suits you." aniya. "But it doesn't have your favorite cartoons on it."

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon