Weakness

64.4K 4K 1.8K
                                    

Cesia's POV

Iniunat ko ang aking mga braso habang nakahiga sa higaan, saka ako napalingon kay Thea na mahimbing ang tulog.

Pagkatapos, lumipat ang aking atensyon sa munting bahay ni Galatea na nakapatong sa sarili nitong mesa, katabi ng kama. Nakabukas ang mga ilaw nito kaya napaupo ako at kinatok ang bintana ng kanyang kwarto.

Akmang bubuksan ko ang bubong nito nang biglang bumukas ang pinto, at ibinunyag si Galatea na nakasuot ng pink na nightgown at fluffy slippers.

"I can't sleep." aniya.

"Bakit?"

"I just can't help it." Umupo siya sa dulo ng mesa. "I'm... worried."

Napangiti ako. "Ako rin naman." Bahagya akong napayuko. "Pero gano'n naman talaga 'yon diba? Kapag iniharap ka sa mga pagkakataong wala kang maiintindihan, mag-aalala ka naman talaga."

"But isn't the rebellion enough?"

"Hoy..." Narinig namin ang mahinang pagtawag ni Thea sa'min kaya sabay kaming napatingin sa kanya. "Anong pinag-uusapan niyo diyan?" Napahikab siya saka umupo sa tabi ko. "May bagong issue na naman ba? Sali ako!" pabulong niyang sigaw.

"What I'm trying to say is..." pagpapatuloy ni Galatea. "You've already went through three prophecies, fought wars. Ako na ang naaawa sa inyo."

"You're right."

Kasunod naming narinig ang boses ni Elpis na nakaupo rin pala sa likod namin. Bahagya kaming umikot ni Thea sa pagkakaupo kaya magkaharap na kami ngayon at nang sa gano'n, ay hindi namin natatalikuran sina Elpis at Galatea pagka't nasa magkabilang gilid namin sila.

"You fought against the Elite, Gaia's children, Gaia, Cronus... and the chthonic deities and their creatures." dagdag pa niya. "Of course you'd think that the battles you've won are enough."

Ngayon ko lang napansin kung gaano ka-iba si Elpis mula sa ibang mga nilalang na nakasalamuha ko. Para siyang isang magandang kaluluwa na naliligaw sa mortal realms. Pero alam kong hindi siya naliligaw, dahil siya mismo ang pumipili ng mga taong gusto niyang pakitaan ng kanyang anyo.

"But you know, a war doesn't just end. It evolves, sometimes, worsens..."

Ang natirang kaluluwa sa kahon ni Pandora, at ang tanging kinakapitan ng mga mortal sa panahon ng pagtataka't paghihirap.

"I should know because it is me that is always present in battles everyone is fighting." Nginitian niya kami. "I am hope, afterall."

Tahimik lang kaming tatlo habang nakikinig sa kanya, naghihintay ng idadagdag niya.

Natawa siya nang marahan. "Cesia? You can glimpse at the past, right?" tanong niya na tinanguan ko.

"Good." Inilahad niya ang kanyang kamay. "Hold my hand."

At sa unang sandali na hinawakan ko ang kanyang kamay, naramdaman ko ang pagkawala ng sarili kong bigat, na tila nagiing bahagi ako ng hangin at tangay-tangay nito ako. Pinalibutan kami ng puting usok na kasingkapal ng mga ulap.

"Hoy ipis! Anong ginagawa mo sa'min?!" Rinig ko ang reklamo ni Thea.

Tila isa akong kaluluwa na walang anyo, pagka't hindi ko ramdam ang aking sarili, pero andito pa ang presensya ko. Hindi ko na rin nakikita sina Thea, pero alam kong nandito sila, katabi ko.

Unti-unti kong naririnig ang mga pagsabog at sunod-sunod na putok ng mga baril. Ilang sandali pa'y lumitaw sa aking harapan ang isang sundalo na nakalupasay sa putik, katabi niya ang isa pa niyang kasama na nakaluhod at sinisigawan siya, pinipilit siyang gisingin.

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon