Unopened Wounds

64.9K 3.4K 850
                                    

Cesia's POV

Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko si Chase sa classroom, kausap si Kara.

"Chase?" Nagmamadali akong tumungo sa kanila.

Napansin naman ako ni Chase. "Cesia!"

Nagulat ako dahil sa biglaan niyang pagyakap sa'kin pero sa huli, napangiti nalang ako at hinigpitan yung pagkakayakap ko sa kanya. "Kailan ka pa nakalabas ng clinic?" bulong ko saka bumitaw.

"Kagabi lang." sagot niya. "Hatinggabi na kaya hindi na kami nag-abalang gisingin kayo."

Nag-abot ang aking kilay. "Kami?"

"Chase had the perfect timing." Tumabi sa'kin si Dio. "He woke up the moment we arrived from our mission. Dumiretso na kami sa clinic pagkarating namin."

"Ah..." Tumango ako. "Gano'n ba..."

Ilang minuto rin kaming nakapag-usap. Naputol lang ito nang pumasok sina Trev at Cal. Wala namang kakaiba dito maliban nalang sa dalawang aurai na nakasunod sa kanila. May dala rin silang files na agad nilang ipinatong sa teacher's table bago lumabas ng classroom.

"Uso pa ba seatworks ngayon pag walang teacher?" ani Chase.

"We arranged to borrow some time from our teachers so we can use the classroom to talk about our mission." pagbibigay-alam sa'min ni Kara. Tumungo siya sa mesa at sinuri ang mga dokumento na naroon.

"Eh? Ba't naman natin kailangan ng classroom?" tanong ni Art.

"This time, we have to study and discuss like we're in class." sagot ni Kara. "We have to memorize all the deities from the realms of time. Every creature, object, everything that has something to do with time."

Pero bago pa 'yon, kailangan muna naming hanapin si Matilda. Malaki kasi ang posibilidad na konektado ang pagkawala ni Matilda sa kaguluhang nangyayari ngayon sa realms ng time.

Nalaman namin ang pagkawala ni Matilda mula kay Kaye. Siya na rin ang nakapagsabi sa'min na siya ang huling kinausap ni Matilda bago siya tuluyang nawala. Bago kasi nangyari yung eclipse, nakarinig siya ng tunog ng orasan, tapos, narinig niya si Matilda na tumatawag sa kanya. Ang sabi, nalulunod raw siya.

"How about Kaye? Is she on her way to the Underworld already?" tanong ni Dio.

"She just left this morning." sagot naman ni Kara.

Nagsimula na kaming magbilang ng mga lugar na maaaring dinaanan ni Matilda para makalabas ng Elysium. Wala naman daw kasing nakakita sa kanya na dumaan sa Underworld, at wala ring trace ng portals na nanggaling sa Elysium ever since bumalik si Matilda doon.

"First thing's first, Matilda mentioned that she was drowning, which means we may be looking for a body of water." ani Kara. "Elysium is located at the western end of the world. By the great river, Oceanus. Well not really a river... the ocean rather."

Naniniwala ang mga Ancient Greeks na yung ocean ay isang napakalaking ilog na nakapalibot sa mundo.

Si Oceanus rin ang first-born sa titans. Kaya mabuti nalang talaga at hindi siya nagising sa panahon ng rebellion dahil ewan ko nalang kung anong gagawin namin kung mag anyong titan yung buong karagatan.

Itinaas ni Art yung kamay niya. "Eh yung offerings natin kay Oceanus? Gumagana ba?"

"His temple shines brightly as Zeus' every night. The Gamma also doubled their daily offerings." Nagpakawala ng buntong-hininga si Kara. "But to no avail."

"Huh. Deadma..." mahinang puna ni Art.

"However, there are other bodies of water in Elysium. We will be studying those as well." Kumuha si Kara ng dalawang folders na may lamang mga larawan ng ilog, lawa, at katubigan na matatagpuan sa Elysium.

Sumandal ako sa upuan saka huminga ng malalim.

• • •

Nakangiti ako habang minamasdan si Art na nakaupo sa tapat ko at masiglang kumakain ng ice cream.

Pagkatapos ng huling subject namin, inaya ko siya dito sa veranda. Pero syempre, bago kami naparito, binilhan ko muna siya ng paborito niya.

"Wala ka naman sigurong kasalanan sa'kin Cesia ano? Hihihi." Aniya habang natatakam. "Kanina ka pa kasi titig nang titig sa'kin eh. Sa classroom pa."

Ipinatong ko sa mesa ang mga kamay ko. "Art... may hindi ka ba sinasabi sa'kin?"

Hindi siya gumalaw matapos kong itanong 'yon. At sapat na ang reaksyon niya para malaman kong meron nga.

"K-Katulad ng ano?" Dahan-dahan niyang inilapag sa mesa ang ice cream cup niya.

"Hindi ko rin alam." Nagkibit-balikat ako. "Gusto lang kitang tanungin. Baka kasi may nararamdaman ka pala na hindi ko namalayan? napansin? naramdaman?"

Pagkatapos ng insidente sa training room kasama si Kara, napagtanto kong mahirap na para sa'kin na gamitin yung abilities ko. Hindi na ito kasingdaling gawin at sa tuwing ginagamit ko ang mga ito, bumibigat yung pakiramdam ko.

Para lang akong bumalik sa dati. O di kaya'y mas malala pa sa dati dahil bukod pa sa madali na naman akong napapagod, ramdam ko rin ang panghihina ng kapangyarihan ko.

"Eh diba nafe-feel mo naman nafe-feel ko? Sobrang sensitive mo pa nga ih-"

"Yun nga Art, eh." Binigyan ko siya ng nalulungkot na ngiti. "Hindi na gano'n kalakas yung empathy ko." Napalunok ako. "Kaya tinatanong kita kung okay ka lang ba kasi..." Pilit kong itinatago ang pagkadismaya ko sa sarili ko.

"Kasi baka may pinagdadaanan ka at katulad ko, naghihirap ka rin pala pero hindi ko namalayan kasi..." Humugot ako ng hangin. "H-Hindi ko na nararamdaman yung nararamdaman mo-" Yumuko ako nang nagsimulang magsilabasan ang mga luha ko.

"Hala Cesia. Di mo naman kasalanan yun ih! Bakit ka umiiyak?" Tumayo siya at humilig sa'kin para i-angat yung ulo ko. "Tsaka wala namang nangyayari sa'kin ah. Okay naman ako." Pinunasan niya ang pisngi ko.

Natawa ako nang marahan saka ko hinawakan ang kamay niya. "S-Sure ka ba?" Tinignan ko siya nang naluluha ang mga mata. "Sure ka bang walang nang-aaway sa'yo? O nalulungkot ka kasi naubusan ka ng merch? Sure ka bang wala kang pinoproblema ngayon?"

Umiling siya. "Masaya ako." Binigyan niya ako ng mahinamis-namis niyang ngiti. "Masaya ako kasi andyan ka para sa'kin."

Tumatango-tango ako pero bigla akong napahinto nang may naramdaman akong likido na dumadaloy sa kamay kong nakahawak sa braso niya.

Napansin ko rin ang pagngiwi niya sa sakit nang galawin ko yung kamay ko. Hindi ko pa rin siya binibitawan nang tignan ko kung anong meron.

Sa laking gulat ko, nabalot ng dugo yung kamay ko...

Pero hindi lang 'yon.

Dahil natagpuan ko rin ang isang napakalalim na hiwa na tumatakbo sa kabuuan ng bisig niya.

Napatayo ako. "A-Art..." Inangat ko ang aking tingin sa kanya.

Kumurap-kurap siya at marahas na inilayo ang kanyang kamay mula sa'kin. "H-Hindi ko alam..." Humakbang siya paatras. "C-Cesia..." Pabalik-balik ang kanyang tingin sa'kin at sa duguan kong kamay. "Hindi ko talaga alam kung bakit-"

"Kung bakit nagkakaganito ako." Sunod-sunod na pumatak ang mga luha niya. "S-Sorry!" Sigaw niya, sabay takbo papaalis.

Iniwan niya akong nakatulala.

Ano 'yon? Saan 'yon galing? Bakit may sugat siya? Eh wala naman akong ibang ginawa kundi ang hawakan siya-

Maliban nalang kung...

Dahan-dahang bumaba ang aking tingin sa kamay ko.

Wala akong naaalala na nagkaroon siya ng ganoong sugat.

Kailan niya nakuha 'yon?

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon