Beyond Dreams

62.2K 3.9K 2.2K
                                    

Cesia's POV

Umuulan pa rin...

Iminulat ang aking mga mata.

Malay ko ba kung paano ako nakabalik sa kwarto ko, ang alam ko lang, si Trev ang huli kong nakita bago ako tangayin ng pinagsamang antok at pagod.

Nilingon ko ang orasan sa nightstand at nalamang hatinggabi na. Naupo na rin ako para silipin si Galatea na mahimbing na natutulog sa dollhouse niya.

Pinatakbo ko ang aking palad sa buhok ko habang inaalala ang nangyari bago ako makatulog.

"Nakakahiya..." Bumagsak ang aking kamay sa higaan at otomatikong kinuha ang unan na pinakamalapit sa'kin.

Idinikit ko ang unan sa mukha ko bago nagpakawala ng matinis na sigaw.

"Aaaaahh!"

Grabeng antok ba yung naranasan ko kaya gano'n ako kabilis nakatulog?!

Anong nangyari sa'kin?!

Ba't di ko nagawang gamitin yung mga paa ko papuntang kwarto?!

Para akong baliw na napasapak-sapak sa higaan.

Hindi ko naman kasi maintindihan kung bakit nangyari 'yon!

Hindi ko rin alam kung bakit hinayaan ko siyang buhatin ako na parang bata!

"Eh siya naman yung naunang gumalaw..." depensa ko sa sarili.

"Pero teka-" sagot ko. "Hindi ko siya pinigilan nung buhatin niya ako."

"Oo nga, oo nga..." Tumango-tango ako. "Alam kong gagawin niya 'yon pero hindi ko pa rin siya pinigilan."

"Pero ideya niyang gawin 'yon, diba?" tanong ko. "Tsaka desisyon niya rin 'yon-"

Nasa gitna ako ng pangungumbinsi sa sarili na wala akong kontribusyon sa nangyari nang mahagilap ng mga mata ko ang liwanag mula sa labas.

Tumayo ako at dumako sa bintana.

Hindi ko makita nang maayos ang kalangitan dahil sa makakapal na ulap na nagtitipon-tipon sa itaas ng Academy.

Gumuhit ang iilang kidlat dito, pero wala akong narinig na ingay o kulog.

"Trev..." bulong ko.

Ang inakala ko'y mahinang pag-ulan ay isang namumuong bagyo na pala.

Kusang gumalaw ang mga paa ko at lumabas ng kwarto. Madilim sa sala, dahil nakapatay lahat ng ilaw, at ang tanging gabay na liwanag ko ay nagmumula sa labas ng balcony.

Binuksan ko ang glass panels at laking gulat ko nalang nang salubungin ako ng malakas na ihip na hangin dahilan na mapaatras ako.

Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang mga braso ko saka humakbang papalabas ng balcony. Ilang beses akong dumausdos pabalik sa loob ng dorm kaya wala akong ibang nagawa kundi ang itulak ang sarili ko sa railings gamit ang bracelet ko at isarado ang glass panels sa sandaling nakaapak ako sa labas.

Habang nakakapit sa railings, nag-isip-isip ako ng mga paraan kung paano makalapit sa mata ng bagyo, o sa ibang salita, sa demigod na paniguradong may kagagawan nito.

Biglang lumakas ang hangin kaya hinigpitan ko ang pagkakahawak sa railings. Nakaramdam ako ng kaba nang unti-unting dumulas ang kamay ko dahil sa ulan.

Teka- kagigising ko pa lang! Nanghihina pa ako!

Tuluyan na nga akong napabitaw at napaiyak sa sakit nang tumama ang aking likod sa gitna ng panels ng balcony.

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon