Noises

55.6K 4.4K 4.4K
                                    

Cesia's POV

"Nananaginip lang ako." paalala ko sa sarili habang pinapanood ang Alphas na nakikipaglaban sa field.

"Hindi." Umikot ako sa kinatatayuan ko. "Ala-ala 'to."

Ala-ala ko ng pinakaunang digmaan na nangyari sa Academy.

Biglang lumitaw si Auntie sa harap ko dahilan na mapangiti ako.

Hindi na ako magtataka kung bakit bigla siyang nagpakita. Mahalaga naman kasi siya sa'kin simula nung bata pa ako. Siya ang nagpalaki sa'kin, kaya hinding-hindi ko siya makakalimutan.

Ang mga ala-ala ko nga na kasama siya ang tanging kinakapitan ko sa tuwing pakiramdam ko nag-iisa lang ako.

"Auntie..." Lumapit ako sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. "Miss na miss na kita..." bulong ko. "Kung alam mo lang-"

"Kasalanan mo 'to."

Napatigil ako pagkatapos marinig ang sinabi niya.

Tama ba yung narinig ko?

"Minahal kita, Abby, pero walang makakalamang sa pagmamahal ko sa kanya."

Dahan-dahan akong bumitaw mula sa pagkakayakap sa kanya at sa laking gulat ko, sinalubong ako ng nanunumbat na tingin nang masilayan ko ang nandidilim niyang mukha.

"Pinatay mo siya, at pinatay mo ako! Ano pa ba ang gusto mo?! Ilang buhay pa ba ang kailangang mawala para sa'yo?!"

"T-Teka lang, Auntie-" Wala akong naiintindihan sa pinagsasabi niya.

"Kasalanan mo lahat ng 'to!"

Napaurong ako nang bigla niya akong sinigawan.

"Noon pa ako pagod sa'yo..." nangangalit niyang sabi. "Simula nang ibinilin ka sa'kin ng ama mo."

Nagdadalawang-isip man na paniwalaan ang sinabi niya, hindi ko nagawang kayanin ang bigat ng mga salitang binitawan niya at tuluyan na ngang naluha.

"A-Auntie-" Nagtanka akong hawakan siya pero tinabig niya lang ang kamay ko dahilan na maiyak na nga ako nang husto. "S-Sorry-"

Napasinghap ako nang maramdaman ang malakas na pagtama ng kanyang palad sa aking pisngi.

Nanginginig ang kamay ko nang damhin ang sulok ng aking labi. Pagkatapos, yumuko at nakita ang kaunting dugo sa dulo ng aking mga daliri.

Inangat ko ang aking tingin kay Auntie na wala pa ring ipinagbago ang ekspresyon.

"B-Bakit?"

"Sumama ka sa'kin, Abby, nang sa gano'n, mapapatawad pa kita." Inilahad niya ang kanyang kamay. "Dahil sa'yo, mag-isa nalang ako."

Hindi maalis ang aking tingin sa mga mata niyang nang-aakit ang dilim.

"Papatawarin kita, at babalik tayo sa dati kung kailan tayong dalawa lang ang palaging magkasama." Bahagya niyang ipiniling ang kanyang ulo at nginitian ako. "Ayaw mo ba no'n?"

Nakaramdam ako ng kakaibang hatak mula sa kanya at dahil dito, kusang gumalaw ang kamay ko.

Sa panahon kung kailan kaming dalawa lang ang palaging magkasama...

Bago ko pa maipatong ang aking kamay sa palad niya, napahinto ako.

Sa panahon na hindi pa ako nakaapak sa Olympus Academy...

Sa panahon na hindi ko pa kilala ang Alphas...

'Yon ba talaga ang gusto ko?

"Inaamin mo na, hindi ba?" Pinandilatan ako ni Auntie sabay lapad ng kanyang ngiti. "Na kasalanan mo lahat ng nangyayari sa inyo ngayon?"

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon