The Cunning Fox

43.6K 2.8K 1.8K
                                    

Chase's POV

Napakurap-kurap ako.

Oh? Ba't bumalik ulit ako rito sa Pinatubo? Bumalik ba ako sa huling digmaan?

Kumunot ang aking noo pagkatapos maramdaman ang mabigat na mist na nakapalibot sa'kin. Gabi na rin, kaya't wala akong gaanong nakikita nang maayos.

"My head hurts."

Nilingon ko si Ria na hinimas-himas ang ulo niya.

Napangiti ako.

Andito siya. Magkasama kami.

"Ayos," puna ko at nilabas ang aking mga pakpak. "Tara?"

Sinamaan niya ako ng tingin. "Anong tara?"

"Sa tingin ko kasi-" Bigla akong tumilapon papalayo sa kanya nang maramdaman kong may tumama sa aking likod.

Tumayo ako at nakita si Ria na nag-aapoy ang mga pakpak bitbit ang ginto niyang espada. Pinahilig niya ito sa leeg ng gigantes habang nasa ere at pagkatapos ay binigyan niya ako ng nag-aalalang tingin.

Ngumisi naman ako at binigyan siya ng thumbs up.

Ginamit ko ang ability ko at lumitaw sa harap niya. "Sabi ko nga, sa tingin ko kasi bumalik tayo sa pinakahuling-"

"Demigods!"

Hindi ko ulit natapos ang sasabihin ko dahil narinig namin ang matinis na sigaw ng babae. Sabay kaming napalingon sa pinanggagalingan nito at nakita ang isa sa mga Arae. Nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakatutok ang kanyang espada sa'min.

Biglang yumanig ang lupa at natagpuan nalang namin ang aming mga sarili na napalibutan ng iba't-ibang mga nilalang.

"Ria," sambit ko at inilahad ang aking palad sa kanya na agad naman niyang pinatungan ng espada pagkatapos siyang mag-summon ng extra.

"You think the others are here?" tanong niya sa'kin.

"Putanginaaa!"

Mula sa malayo narinig namin ang mura ng isang babae. Narinig namin ang mabilis na yabag ng mga paa sa maputik na lupa na papalapit sa'min. Ilang sandali pa'y lumabas mula sa madilim na bahagi ng gubat si Thea na naliligo sa sariling dugo at pawis.

"Kagagaling ko lang sa isa pang digmaan, eh! Tapos lalaban ulit ako?!" reklamo niya nang makita kami. Ilang segundo niya kaming tinitigan, saka siya tumakbo at nilagpasan kami.

"Hoy!" sigaw ko. "Sa'n ka pupunta?!"

Kinaway-kaway niya ang weapon niya habang tumatakbo. "Kaya niyo na 'yan! Hahanapin ko lang si Seht!"

Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa espada. Hindi ko na sinulyapan pa si Ria dahil ramdam ko hanggang rito ang pagkainis niya.

"Gusto mo padamihan ng mapatay?" alok ko sa anak ni Ares para pagaanin ang loob niya.

Hindi ko na rin kailangang tignan ulit siya para malamang may namumuo nang ngiti sa labi niya ngayon.

"You bet." sagot niya.

Tumungo kami sa magkataliwas na direksyon at nagsimulang labanan ang mga daemons, cyclops at gigantes na silang pinakamalapit sa'min, at habang ginagawa ito, hindi ko maiwasang makaramdam na may kakaiba sa kapaligiran namin.

Ito yung huling digmaan, diba? Pero bakit hindi ako pamilyar sa panahon na 'to?

Inilibot ko ang aking paningin. "Ria-"

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon