Glances

59.5K 3.8K 3.7K
                                    

Cesia's POV

Napahikab ako saka humiga sa sofa nang nakapatong ang papel sa dibdib.

"Lagpas hatinggabi na..." puna ko habang nakatingala sa kisame. "Pero di pa rin sila umuuwi..."

Akala ko ba ngayong gabi ang uwi nila?

Itinagilid ko ang aking ulo para tignan si Galatea na mahimbing na natutulog sa maliit niyang higaan na nakapatong sa mesa. Inilabas namin ito mula sa bahay niya at inilipat ito dito dahil gusto niya raw akong samahan sa paghihintay sa Alphas.

Inayos ko ang unan na pinapatungan ng aking ulo at umayos sa pagkakahiga.

Mayamaya'y napangiti ako pagkatapos maalala ang unang araw ko sa Academy. Nakatulog nga pala ako sa sofa no'n, at nagising ako sa mga boses nila.

Naramdaman ko ang pagbago ng kulay ng aking mga mata, saka ko nakita sina Art, Ria at Kara na nakatayo sa harap ng sofa. Nakasuot silang tatlo ng uniforms at parehong nakatuon sa'kin.

Umupo ako sa sofa.

Inabot ni Ria ang kamay niya. "Hey! My name's Ria."

Napatitig lang ako dito nang magsalita rin si Art. "Cesia. Nakita na namin yung ID mo. Ako nga pala si Art!"

Tumayo ako at nilingon si Kara na nakahalukipkip ang mga braso sa dibdib.

"Kara." taas-noo niyang sabi.

Inalala ko ang kasunod na nangyari at napangiti.

"Powerpuff girls." bulong ko.

"And we are... the Powerpuff Girls!" sigaw ni Art sabay fist bump sa ere dahilan na makatanggap siya ng nagbabantang tingin mula sa dalawa.

"Art, it is not the right time for that." ani Kara.

"I'm telling you Art, nakarami ka na ng PPG." dagdag ni Ria.

"Eh? Ayaw niyo yun? Para mas energetic yung introduction natin-"

Sinundan ko ng tingin si Art na mahaba ang nguso nang lapitan si Cal na nasa kusina.

Lumapit ako sa kanilang dalawa.

"Cal oh! Sobrang kj na naman nila!" pagsusumbong ni Art. "Dito na nga lang ako sa'yo hehehe..." Sinundot-sundot niya ang braso ni Cal. "Di mo'ko pinapagalitan eh. Di mo rin ako hinuhusgahan yieee!"

"Love-love mo rin sina Bubbles diba?" tanong ni Art kay Cal.

"No." sagot naman nito sa kanya.

Hinatak-hatak ni Art ang sleeves ng shirt niya. "Cal naman ih!"

Kasunod kong narinig ang announcement.

"Attention to all students, you are requested to proceed to the Ceremonial Hall at exactly six in the evening. The proper school attire and behavior should be observed."

Nag-abot ang kilay ni Art. "Dapat bukas pa yung ceremony diba?"

Binalewala ko ang sumunod na palitan ng pag-uusap nila dahil dumako ang aking tingin kila Trev at Dio na nag-uusap malapit sa pinto.

Tumungo ako sa harap nilang dalawa.

"I also heard the principal of her previous school pointed a gun at you." Natatawang sabi ni Dio. "Is he still alive?"

Pinadalhan lang siya ni Trev ng malamig na tingin.

"What?" Nagtaka si Dio. "May nasabi ba akong mali?"

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon