Nothing

50.7K 3.2K 1K
                                    

Kaye's POV

"S-Si Cal!" Pilit kumakawala si Art mula sa'kin. "Bitawan mo'ko!"

"Art, please. Kami na ang bahala. You're not yourself-" Hinatak ko siya papasok sa clinic. "You need to calm down!"

Lumakas ang iyak niya habang tinatawag si Cal.

"Si C-Cal..." Nagulat ako nang lumuhod si Art sa harap ko. "Bumalik t-tayo du'n Kaye, p-please?" pagmamakaawa niya. "Si twinny... si Cal..."

"Art." Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. "Tumayo ka..."

"Please." Humagulgol siya ng iyak at kumapit sa kamay ko na nakahawak sa braso niya. "H-Hindi sila pwedeng b-bumalik do'n... Kaye..."

"B-Baka hindi na naman sila makalabas do'n." Umiling-iling siya. "Tapos... tapos... mag-iisa na naman ako-"

After hearing what she said, I tightened my hand around her arm.

"Hindi ikaw ang Art na kilala ko." bulong ko. "Nakikinig siya sa'min dahil may tiwala siya sa'min... hindi ganito."

"Artemia..." Inangat niya ang kanyang ulo at namuo ang isang malungkot na ngiti sa kanyang labi. "Artemia ang totoong pangalan ko."

"A name doesn't make the difference." I tried looking tough in front of her but deep inside, my heart was breaking to see her like this.

I don't like seeing her like this. "Kaya tumayo ka diyan-"

"Artemia ang pangalan ko, Kaye..." Hindi nagbago ang eskpresyon sa kanyang mukha. "Noong nasira ang buhay ko."

"Artemia or Art, you shouldn't be like this!" Marahas ko siyang binitawan. "Do you know why I don't want you back there?! Because you're being weak!"

"Ano bang gagawin mo do'n?!" Sigaw ko habang dinuduro-duro ang direksyon ng entrance hall. "Hindi mo kayang protektahan ang sarili mo kung ganyan ka!"

"What the hell are you even thinking?!" Galit ako dahil hinahayaan niya ang sarili niyang magkaganyan. "Gusto mo bang magpakamatay?!"

Dahan-dahang nabura ang ngiti niya. Tinuyo niya ang kanyang mga luha saka tumayo.

Tinignan niya ako nang naluluha ang mga mata. "Mmm. Dati pa."

Hindi ako makapagsalita pagkatapos marinig ang sinagot niya. I looked at her, unknowing that my eyes were already watering.

"H-How could you say that?" My voice broke. "Hindi ko alam kung anong nangyari sa'yo, pero dati na 'yon, Art."

"Ikaw din naman ah. Nagsisisi ka pa rin, diba? Sa ginawa mo?"

Napalunok ako. "Pero ikaw ang nagsabi sa'kin na mababawi ko pa yung kasalanan ko-"

"Pero hindi mo mababago ang ginawa mo, Kaye."

I took a step a back.

"Mababago mo lang ang pagtingin ng mga tao sa'yo, pero hindi mo mababago ang ginawa mo, at alam mo 'yon."

I shook my head.

"Kaya hanggang ngayon sinisisi mo pa rin yung sarili mo."

I let out a breath as a tear escaped from my eye. "A-Art..."

Bakit niya sinasabi sa'kin 'to?

Hindi ko alam kung anong nangyari pero nakita ko nalang si Trev na lumabas mula sa clinic kasama si Doc Liv.

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon