His Daughter

61.8K 4.3K 4.4K
                                    

Cesia's POV

Bahagya kong ipiniling ang aking ulo habang nakatingin sa lalaking nakaupo sa sala ng dati naming bahay. Sa bisig niya, ay isang sanggol na mahimbing na natutulog.

"Ayoko, Gab." Mangiyak-ngiyak si Auntie na nakaupo sa tapat niya. Nakatukod ang kanyang mga siko sa magkabilang tuhod niya.

Nakadaop ang kanyang mga palad nang iyuko niya ang kanyang ulo. Saka nagsimulang bumagsak ang kanyang mga luha. "Masasaktan lang ako, Gabriel, masasaktan ako sa tuwing makikita ko ang batang 'yan, dahil maaalala kita."

"Annais, please-"

"Ayoko!" Marahas na pinunasan ni Auntie ang pisngi niya. Mabibigat ang bawat hugot niya ng hangin habang nakatingin kay Papa nang luhaan ang mga mata. "Ayokong kunin ang batang 'yan! Dahil ikaw lang ang pinangakuan kong poprotektahan ko, Gab! H-Hindi siya."

Isang luha ang nakatakas sa aking mata nang marinig ang pagkabasag ng boses niya.

Tumayo si Papa at lumapit sa harap ni Auntie. At sa laking gulat ko, dahan-dahan siyang lumuhod.

"Huwag-" Umiling-iling si Auntie. "Huwag mong gawin 'yan..."

Napatakip ako ng bibig. Kahit alam kong hindi nila maririnig ang mga hikbi ko, pinilit kong tahimik na umiyak.

Pinikit ko ang aking mga mata nang sunod-sunod na nagsilabasan ang aking mga luha.

"Elias, nasaan siya?"

Pagmulat ko ng aking mga mata, nasa ibang lugar na ako, sa ibang bahay, at kausap ni Papa ang isa pang lalaki na namumukhaan ko. Siya yung lalaki na kasama nilang dalawa ni Auntie sa litrato.

Ama ni Kara.

"Nasa kapatid ko." Halatang nag-aalinlangan siyang sabihin 'yon. "Yung sa'yo? Hindi pa rin ba tanggap ni Annais?"

Umiling si Papa bilang sagot.

Ibinaba ko ang aking kamay nang maalala ang mga huling sandali ni Papa.

Noong kinulong ko si Eris sa trance, nakita ko kung anong nangyari kay Papa. Hinahabol siya ng rebel deities sa Pinatubo, at huminto siya sa harap ng isang sasakyan kung saan naroon si Auntie na nag-alanganing tanggapin ako nang iabot ako ni Papa sa kanya.

"Auntie..." bulong ko.

'Yon ba ang unang pagkakataon na tinanggap niya ako? At nagawa niya lang 'yon dahil napilit siya sa sitwasyon?

"The past... it's haunting all of you."

Napalingon ako sa pinanggagalingan ng tinig at nakita si Aphrodite na nakatayo sa unahan at nakamasid kila Papa.

Nakasuot siya ng puting chiton at naka-braid ang gintong buhok niya sa ilalim ng gintong wreath na nakapatong sa kanyang ulo. Kumikinang pati ang balat niya, at ang mga mata niya, paiba-iba ng kulay.

"I entered your mind because I wanted to talk to you..." Tinignan niya ako, suot ang isang malambot na ngiti. "But then, I'm seeing this..."

"You really are his daughter." Muli niyang itinuon ang kanyang atensyon kay Papa. "With your abilities of time and such..."

Napangiti rin ako. "Maswerte rin naman ako dahil ikaw yung deity ko."

Halatang nagulat siya sa sinabi ko.

Totoo naman talaga eh. Paborito ko nga yung abitilies na namana ko sa kanya. Ewan ko rin ba kung bakit, pero hindi ako nakaramdam ng galit sa kanya kasi iniwan niya ako. Pinili kong intindihin siya dahil kakaiba siya. Isa siyang goddess.

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon