Changes

57.2K 3.8K 6K
                                    

Cesia's POV

Napabuntong-hininga ako habang nakahiga at nakatitig sa kisame.

Tatlong heartbeats lang ang naririnig ko sa loob ng dorm.

Yung akin, kay Thea, tsaka kay Art.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina para magtimpla ng tsaa.

Bitbit ang tasa, lalabas na sana ako sa veranda nang mapahinto ako dahil biglang nanginig yung kamay ko.

Hindi pa nga ako nakalabas, nanlalamig na ako?

Binalewala ko nalang ito saka pinagpatuloy ang plano kong tumambay sa veranda ng hatinggabi.

Umupo ako sabay langhap sa aroma ng chamomile tea, dahilan na mapangiti ako.

Akmang iinumin ko ito nang muli na namang nanginig ang kamay ko kaya dali-dali kong ibinaba sa mesa yung tasa bago ko pa ito mabitawan.

Takang-taka ako nang biglang nanginig ang buong katawan ko eh wala namang dumaang malamig na hangin.

Minasahe ko nalang ang magkabilang templo ng ulo ko.

Hindi naman sumasakit yung ulo ko. Sadyang naguguluhan lang talaga ako sa nararamdaman ko.

Kaya nga lumabas ako dito kasi di ako makatulog. Tapos ngayon, gusto ko nang bumalik sa kwarto para magpahinga.

Dinamdam ko yung noo ko at nalamang para akong nilalagnat, kahit alam kong di naman nilalagnat ang isang demigod na katulad ko.

"You look troubled."

Nagulat ako nang may biglang nagsalita. Napalingon ako sa direksyon ng boses at natagpuan si Trev na nakaupo sa marmol na railings ng balcony.

"Mmm." sagot ko. "Sa tingin ko may lagnat ako."

Bumaba siya saka lumapit sa'kin para damdamin yung noo ko.

Natawa ako. "Pwede ba 'yon?"

Mula sa aking noo, bumaba ang kanyang kamay sa pisngi ko at sa hindi malamang kadahilanan, hindi ko maigalaw ang katawan ko.

Nag-abot ang aking kilay nang marinig ko ang paglakas ng tibok ng sarili kong puso. Kasabay nito ay ang paglalim ng bawat hininga ko.

Teka.

Palihim akong napasinghap.

TEKA.

Iniba ko ang kulay ng aking mga mata para labanan ang pakiramdam pero sa huli, kusang gumalaw ang kamay ko at hinatak si Trev papalapit sa'kin dahilan na maitukod niya ang kanyang braso sa sandalan ng upuan.

Nanlaki ang aking mga mata samantalang pumiling naman ang ulo ni Trev papalapit sa'kin para suriin ako.

Kaninong mga emosyon 'to?! Ang lakas!

"Cesia?"

Hindi akin 'to.

Tumayo ako. "S-Sorry, Trev. A-Ano kasi..." Umalis ako sa harap niya. "Umm-"

Umayos siya sa pagkakatayo at nakapamulsa sa harap ko. "You're-" Panandaliang lumiwanag ang kanyang mukha na para bang dagliang namangha.

"Wag!" Pinigilan ko siyang lumapit sa'kin.

"The only people that have the strongest connections to you are the Alphas." aniya sabay hawak sa kanyang baba. "Thea and Art are both in different rooms... Cal and Seht are in different cells in the dungeons as well..."

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon