The Purest Form of Energy

39.2K 2.7K 1.2K
                                    

Art's POV

"Pssst!" Sumitsit ako sabay bato sa bintana niya.

Pa'no ba kasi, hatinggabi na, at sinubukan kong buksan yung bahay pero naka-lock ihh!

Patuloy lang ako sa pagbato ng malaking bintana nang marinig kong bumukas ito. Dumungaw mula sa itaas ang isang batang babae na halatang naistorbo ko ang pagtulog.

"Ano baaaa!" sigaw niya.

"Shhhh!" Tinapat ko ang darili ko sa bibig ko para senyasan siya na huwag mag-ingay.

Yumuko siya para tignan ako. Saka lumiwanag ang kanyang mata. "Oh my geese!"

Napasinghap din ako. "Oh my Greeks!"

Ang cute ko!

Tapos sabay kaming napatili, pero saglit lang dahil naalala kong natutulog pa nga ang mga tao.

"Buksan mo nga yung pinto!" tugon ko sa kanya. "Ang tagal ko na kasing di nakabalik dito ih! Matagal ko nang nawala yung susi!"

Nasa harap ako ngayon ng mansyon, bahay namin ni twinny noong nanirahan pa kami sa mortal realms.

"Wait." Pinaningkitan niya ako. "Sino ka?"

Nanlaki ang aking mga mata.

Oo nga pala! Anong sasabihin ko sa kanya?

"Omo!" aniya. "Bubbles?!"

Suminghap ako. "Oo!" Nananabik kong sagot sa kanya nang maalala kong nag-iba nga pala ang hitsura ko simula no'ng naging Omega ako. Kasali na rito ang buhok ko na kulay blonde!

"Pwede bang diyan muna ako sa kwarto mo habang di ka pa nakikidnap-" Napahinto ako. "I mean- hihihi ang haba kasi ng nilakbay ko, eh. Pwede bang dito muna ako?"

Matagal-tagal niya akong tinitigan, tila nanghihinala pa rin. Pero sa huli, ay bumalik ang liwanag sa kanyang mukha. "Okie!"

Mayamaya pa'y bumukas ang naglalakihang pinto at bumungad sa'kin ang isang batang lalaki na nakasimangot.

Nakasuot din siya ng green pajama na teenage mutant ninja turtles.

Napatakip ako ng bibig.

Ang cute ni Seht!

"Hi twinny- este Seht- Seb- Sebastian!" bati ko sa kanya sabay kaway-kaway ng aking kamay.

"Hi Bubbles!" Tumatalon-talon ang kambal niyang kararating lang sa tabi niya. Naka-pink pajama siya na may disenyo ng powerpuff girls, at yakap-yakap niya si Bubbles.

"Who are you?" Nagbabanta ang tingin ni Seht sa'kin.

"Ako nga kasi si Bubbles!" Tumalon-talon din ako kasabay si Artemia.

"Matagal ko nang pinangarap makita si Bubbles sa totoong buhay!" matinis na boses niya ang umalingawngaw sa loob ng buong bahay.

"Ako rin!" nasisiyahan kong sabi. "Matagal ko nang pinangarap maging si Bubbles!"

Sabay kaming napatili dahilan na takpan ni twinny yung magkabilang tenga niya.

"Tumigil nga kayo!" reklamo niya kaya't natahimik din kaming dalawa.

"Why are you here?!" naiinis na tanong ni Seht. "Anong kailangan mo?"

"Ah..." Napakamot ako ng ulo. "Kailangan ko kasing magpahinga tapos nakita ko 'tong bahay niyo. Isa rin kasi akong demigod!"

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon