Stranger

53.5K 3.4K 2.2K
                                    

Cesia's POV

"Chaos... Destiny... Order..." bulong ko habang nakatitig kay Art na nakatayo sa likod ni Thea, para bang nagtatago habang hinihintay na dumating sina Trev kasama yung mga lalaking kamuntikan ng pasabugin ang Academy.

Nakatuon kay Art ang atensyon ko kasi kanina pa ako naghahanap ng impormasyon tungkol kay Chaos at Destiny mula sa mga ala-ala niya.

Una kong ginamitan ng ability si Trev kahapon, tapos si Kara kanina. Sa kanilang dalawa ako nahirapan ng todo dahil sa dami ng laman ng mga ala-ala nila.

Hindi ko naman tinitignan ang buong nakaraan nila. Mga piling sandali lang ng buhay nila kung saan may nabasa at narinig sila tungkol kay Chaos.

Napapikit ako nang makaramdam ako ng kirot sa ulo.

"Cesia? Are you okay?" Tanong sa'kin ni Kaye na nakatayo sa tabi ko.

Kasunod naming narinig ang mga pagsabog mula sa ilalim ng sahig.

Lumiwanag ang mga mata ni Thea saka nabalot sa apoy ang isang kamay niya.

"Thea." Pinasadahan siya ni Kara ng nagbabalang tingin. "Don't."

Naglaho ang apoy sa kamay ni Thea pero hindi pa bumalik sa dating kulay ang mga mata niya dahilan na gamitin ko yung ability ko para pakalmahin siya.

Umupo si Kara sa isa sa mga benches na nakapalibot sa entrance hall. Saka niya sinenyasan sina Thea at Art na maupo rin. Sinunod naman nung dalawa si Kara at sabay umupo sa magkabilang bench.

Mula sa pagkakasandal sa main desk, dumako ako sa pinakamalapit na bench at doon pumwesto. Tinabihan ako ni Kaye na agad nagpakawala ng malalim na buntong-hininga nang makahilig sa sandalan.

Tanging tunog lang ng kaguluhan mula sa dungeons ang maririnig sa eskwelahan.

Paminsan-minsa'y gumagalaw din ang sahig, pero hindi naman kami masyadong naaapektuhan dito, maliban kay Thea na nakapikit at mahigpit na nakakuyom ang mga palad.

Nakakatakot nga kasi kinutuban akong apoy ang lalabas mula sa mga mata niya kapag bubuksan niya ang mga ito.

"You know there's a possibility that Zeus will really kill us, right?" ani Kaye.

"Mmm." sang-ayon ko. "Pero wala na tayong ibang magagawa."

"How did you know what's going to happen, anyway?" Karagdagan niyang tanong. "Who told you? Do you have like- a spy in Olympus?"

"Aphrodite." matipid kong sagot.

Narinig ko ang mahina niyang tawa. "Of course."

Dumaan ang ilang segundo ng katahimikan bago siya muling nagsalita.

"She's gone... isn't she?"

Bahagyang bumukas ang aking bibig para sana'y sumagot nang dumapo ang pagtataka sa aking mukha.

Nakakunot ang aking noo nang lingunin siya. "Paano mo nalaman?"

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon