Unrest

61.5K 3K 925
                                    

Kaye's POV

Takang-taka ako nang makitang nagpalitan ng pangungumusta sina Dad at ang lalaking nagngangalang 'Hector'.

Papunta rin daw kasi siya sa palasyo ni Thanatos kaya nagkasalubong kami. Coincidentally, magkakilala rin sila ni Slade na sinabihan lang akong hayaan siyang sumabay sa'min pabalik dito.

Tumabi ako kay Slade.

"What exactly am I looking at?" tanong ko sa kanya. "Ako lang ba dito ang hindi kilala ang lalaking 'yan?"

Bumuntong-hininga siya bilang sagot, saka humakbang paakyat ng hagdan.

"What the-" Nakabukas ang aking bibig nang sundan ng tingin si Slade na nakakuyom ang mga kamao nang iwan ako.

Magkakilala ba sila o ano? Because I really thought they were going to kill each other the moment they met, pero no'ng sabihin ni Hector ang pakay niyang puntahan si Thanatos, saka lang gumaan ang hangin sa pagitan nilang dalawa.

Naka-ekis ang aking mga braso sa dibdib habang nakatitig sa lalaking kausap ni Dad.

Nang malamang matagal-tagal pa bago ako mapansin nung dalawa, tumikhim ako para kunin ang atensyon nila.

Sabay silang napalingon sa'kin.

Hindi ko nga kilala si Hector pero kinutuban akong narinig ko na dati ang pangalang 'yan.

"I see you found my daughter." ani Dad.

"No." Ngumiti si Hector sabay tingin sa'kin. "She found me."

"Hindi kita kilala." naiinis kong sabi. Kung makangiti kasi siya sa'kin parang ilang taon na kaming may pinagsamahan.

"Kilala kita." sagot naman niya.

Umangat ang aking kilay. "So you're a creep."

Panandalian siyang nabigla sa sinabi ko saka muling lumitaw ang kanyang ngiti, na tila ba namamangha.

"You really don't know who I am?"

Mula kay Hector, lumipat ang aking tingin kay Dad na umiling-iling.

"I couldn't care less." I gave the both of them a sharp glare before turning around.

"Did you find anything in Elysium?" Narinig kong tanong ni Dad.

"A trail of blood leading to a lake." sagot ko nang hindi siya binabalingan ng tingin. "But I'm tired. Please let me sleep first before we talk about it."

I was too tired to listen to more of their conversation, kaya dumiretso na ako sa aking kwarto.

The longer I stay in the Underworld, the more confused I am of what's happening.

Ang alam ko lang, the deities are weakening and they're slowly disappearing one by one.

Pumasok ako sa kwarto at umupo sa gilid ng higaan.

Mnemosyne helped us win the rebellion by sending us to the different realms, mortal, mythological, and time. We did won, but there was a price to pay that came after.

Napabuntong-hininga ako saka humiga.

Malay ko ba na malaki pala ang kapalit ng pagkapanalo namin.

We're simple-minded beings. Ang nasa isip lang namin, na kapag mananalo kami, matatapos na lahat.

Iniligtas namin ang realms mula sa kamay ng chthonic deities, pero hindi namin alam na malilipat pala ito sa kamay ng tadhana na may galit ata sa'min dahil inistorbo namin ang daloy ng panahon at realidad.

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon