Dreams

79.5K 3.9K 2.4K
                                    

Thea's POV

Di maipinta ang mukha ko habang pinapanood si Seht na ina-align ang braso ni Cesia.

Ang sakit tignan!

Umalis si Seht sa harap niya saka siya pinalitan ni Art ng pwesto. Marahang hinawakan ni Art ang braso ni Cesia. Ilang segundo ring lumiwanag ang palad niya bago namin narinig ang pagclick ng buto niya.

Napangiwi ako. "Okay na? Aughhh!!! Okay na ba?"

Napadako ang mga mata ko kay Seht na nakaangat ang isang kilay habang nakatingin sa'kin. "You do know a single fracture is not that much compared to the bloody massacre you saw during the rebellion right?"

Hmm.. oo nga ano? Ba't ganito yung reaksyon ko eh nakakita na naman pala ako ng mas malala nito?

"Ahh basta!" inirapan ko siya. "Paki mo ba kung nawe-weirdohan pa rin ako sa tunog ng nabaling buto?"

Napabuntong-hininga si Art. "Paano mo ba kasi nakuha 'yan?"

Bahagyang bumuka ang bibig niya na tila bang handa na siyang sumagot kaso tumigil siya nang mapatingin sa likuran namin.

Sabay kaming napalingon at nakita si Trev na nakasandal sa likod ng sofa at nakapamulsa.

"Ako... ako ang may kagagawan nito.. h-hehehe-"

Bumalik ang atensyon namin kay Cesia na sobrang awkward kung makasagot. Tapos halata pang nagpepeke siya ng tawa.

Bakit? Ano bang meron?

"Nahulog ako sa hagdan. Distracted kasi ako." nginitian niya kami. "Pero kasalanan ko talaga. Inaako ko lahat."

Ako lang ba ang nakapansin na naging defensive yung tono niya? May nang-aaway ba sa kanya?

"Yup." tumango-tango siya. "Kasalanan ko kung bakit nabali yung braso ko."

"Ahh... sige?" nagtaka ako kung bakit siya pinagpapawisan.

Ilang sandali lang at pumasok si Kara kasama si Dio. Sa pagkakaalam ko, pumunta sila sa office para ipa-reschedule yung meeting namin dahil sa nangyari kagabi.

"It will be moved this afternoon." pagbibigay-alam ni Kara.

"Hindi ba pwedeng bukas nalang?" tanong ko.

"They say it's urgent." si Dio ang sumagot.

Pagkasabi nya n'on, napaisip tuloy ako kung mas importante ba talaga yung pagme-meetingan namin kesa sa nangyayari kay Ria.

"Teka anong oras na ba? Wala pa tayong tulog ihh!!" ani Art.

Isang tingin lang ang kinailangan ni Kara sa labas ng veranda para malaman kung anong oras na. "It's around 5 am..."

5 am?!?!

Nahilo ako saglit dahil sa bilis ng pag-ikot ko. Dumiretso ako sa kwarto ni Cesia. Iiwan ko muna sila kasi magdamag akong nastress.

"Good mornight guys. Matutulog na ako." Ewan ko kung matutulog din ba sila basta ako, mag b-beauty rest ako!

Bumagsak ako sa kama. "Sa wakas!"

Hanggang ngayon, wala pa rin akong sariling kwarto.. pati na rin si Seht. Sabi ni principal ipa-rerenovate na naman daw yung dorm kapag break na namin.

Hindi ko alam kung anong break yung tinutukoy niya kaya tinanong ko si Bo dati at natatandaan ko pa na ayon sa kanya, ang pinakamatagal daw na break namin ay ang tinatawag nilang 'Cycle of Eos' tapos ang huling araw daw ng break na 'yon ay isang solemn day na dedicated para sa-

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon