The Song

56.8K 4K 3K
                                    

Cesia's POV

"Sana pala sumama nalang ako sa Greece." Idinikit ko ang aking noo sa nakabukas na pahina ng librong binabasa ko.

Nasa library ako ngayon, nag-aaral tungkol sa primordial deities kasi may summative assessment ako mamaya sa History.

"Look at you! You're wearing your uniform, which means... balik klase ka na naman?" Narinig ko ang tinig ni Ira.

Inangat ko ang aking ulo at nakita siya na kinuha ang upuan sa kabilang dulo ng mesa. Inilipat niya ito sa tabi ko saka umupo.

Nasa tapat ng malaking bintana ang table namin at kasalukuyan kaming nakaharap sa tanawin na nasa labas.

"Ang tagal nilang bumalik..." bulong ko.

"They're supposed to be back today, right? Baka mamayang gabi pa sila darating." Inihilig niya ang kanyang likuran sa sandalan ng upuan. "Take this time to relax. You deserve the break."

Napangiti ako. "Mmm."

Bumalik ako sa pagbabasa nang may maalala ako kaya nilingon ko siya. "Ira, natatandaan mo pa ba yung unang pagkikita natin?"

"You mean when my sister screamed at you sa admission room?" natatawa niyang turan.

Natawa rin ako at tumango-tango. "Binigyan mo rin ako ng rose no'n... bakit?"

"Because I already knew who you were the moment I took a glimpse of you." sagot niya.

"A daughter of Aphrodite?"

"An invincible rose." aniya. "An indestructible beauty."

"Mei knew that too." Nakangiti siya habang nakatanaw sa labas. "Ang ipinagkaiba nga lang namin, gusto niyang may mangyaring trahedya. If I write poems that sing to the heart, she writes poems that can stab you in the chest."

Mei... silang dalawa ni West ang kasabwat ni Kaye noon, sa unang digmaan.

"She was the daughter of Melpomene, the muse of tragedy, after all..." Nanghina ang kanyang boses sa bandang huli. "She wasn't kind, because she wasn't perfect, just like the rest of us."

Nanumbalik ang kanyang ngiti ngunit malungkot na ito. "We were born from different parents, but we were sisters, sisters of poetry, literature, song..."

"Pasensya ka na, hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin." Totoong wala akong masabi tungkol kay Mei maliban nalang na sana hindi niya ginawa 'yon, pero nangyari na eh, kinalaban niya kami, ang buong Academy.

Bumuntong-hininga siya bago muling nagsalita. "Let the stars light, watch the sunset, how all these voices sing in my head..."

Kumunot ang aking noo pagkatapos marinig 'yon.

"You will be free, no one denies, just hold me close, when it won't rise, when it won't rise... then."

'The sun shall set, and never rise again...'

"Ira, sinong nagsulat n'yan?" tanong ko.

Naalala ko kasing nasabi na 'yan ni Eris sa'kin dati. Noong una kong napanaginipan ang rebellion, at nakita kong nakaluhod ang Olympians sa harap niya.

"I don't know." ani Ira. "But it's the final song written in Mei's journal. Why?"

"Ipagpatuloy mo nga." tugon ko.

"Cause you can't set yourselves free, if you don't. You can't make the future something it won't..."

Dahan-dahang bumagsak ang aking tingin.

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon