Prince of the Mist

60.2K 4K 3.3K
                                    

Cesia's POV

"Teka lang!" Kung saan-saang dako na ako ng training room tumatakbo para iwasan ang mga daggers na binabato ni Ira.

Nanlaki ang aking mga mata pagkatapos makita ang dalawang lobo na lumulundag sa kinatatayuan ko.

Akala ko ba naubos ko na ang mga 'yan?!

Hindi ko alam kung paano ako umabot sa ganito. Ang alam ko lang, ay sinabihan ko si Doc tungkol sa plano kong mag-training ulit. Tapos nag-suggest siya na sumabay daw ako sa Beta kasi next week na daw yung practical exams nila, ibig sabihin, wala silang ibang schedule this week kundi training.

Syempre hindi ako sumang-ayon pero wala na akong magawa dahil si Doc Liv na mismo ang nakapagsabi sa Beta.

May iba na ni-reject yung offer ni Doc.

Mga students ata na pinaluhod ko papuntang Academy dati...

Pero meron pa rin namang mga Beta na tinanggap ang alok ni Doc.

Kagaya nitong si Ira na anak ni Erato, Muse of Lyric Poetry, at kasalukuyang pinapaliparan ako ng mga patalim.

Hiniram din ni Doc ang remote ni Sir Rio at ibinigay ito kay Ira kaya naka-ilang wolves at cyclopes na ako simula umaga.

Itinapat ko ang aking palad sa lobo at ginamit ang weapon ko para ihagis ito sa pader.

Wala akong gaanong natamong sugat pero nahihilo ako kapag ginagalaw ko ang ang ulo ko para lumingon sa ibang direksyon.

At habang tumatagal, mas lumalala ang pakiramdam ko.

"Hey! That's cheating!" ani Ira. "Doc said you're only allowed to use your abilities of time... or whatever you call it."

Nag-summon ako ng isang barrier na gawa sa salamin. Hugis bilog ito at sapat lang ang lapad para matulak ang buong katawan ng lobo na pinadalhan ko nito.

Napakurap-kurap ako dahil muli na namang nanlabo ang aking paningin.

Ilang araw na akong nag-training pero kailangan ko pa rin ng panahon para masanay ang katawan ko.

Tinignan ko ang aking pulso at nakita ang gintong simbolo na nakaukit sa balat ko.

Naglalaho ito, tapos bumabalik na naman. Nangyayari ito sa tuwing napapagod ako kakagamit ng bagong abilities ko.

Pero...

Lumitaw sa braso ko ang kuryente na kasingkulay ng aking mga mata. Tumakbo ito sa aking balat at nagtipon-tipon sa simbolo.

Ina-absorb ng symbol ang spectra, na para bang isang uri ito ng enerhiya.

Hindi ko alam kung bakit.

Kaya kailangan kong magpadala ng sulat kay Kara tungkol dito.

"Ira."

Pumasok ang isang babae sa training room. Nakasuot siya ng puting t-shirt at plain jeans, at nakatali sa ponytail ang kanyang buhok. Malalim ang bawat paghugot niya ng hangin at pinagpapawisan din siya, halatang galing sa training.

"Tapos na pala kayo?" Nagmamadaling lumapit si Ira sa kanya at sabay silang dumako sa kinaroroonan ko.

"Cesia, this is Bliss, daughter of Tyche, Goddess of Fortune and Prosperity." pagpapakilala ni Ira.

"Pleased to meet you." Nginitian niya ako sabay abot ng kanyang kamay na tinanggap ko.

"She's also the vice-president of our class."

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon