Rest Day

71.7K 4.2K 3.6K
                                    

Art's POV

Sobrang lungkot ng story kung bakit nandito ako ngayon sa mall, nag g-grocery kasama si Cal.

Kanina kasi, tumunog yung tiyan ko. Tapos pagbukas ko ng ref, walang laman.

Oh diba? Ang sad ng story.

Napaiyak tuloy yung tiyan ko. Hays.

Pero di bale. Sisiguraduhin ko na mabubusog silang lahat mamaya sa lulutuin ko.

Teka.

Ano nga bang lulutuin ko?

Napatingin ako sa loob ng shopping cart na tulak-tulak ni Cal. Napasinghap ako pagkatapos makitang puro candy yung laman nito.

Umiling-iling ako.

"Cal, gusto niyo ba ng bubble gum para mamaya?" Pwede ba yun? Bubble gum tapos samahan ng kanin?

Ano bang mas better pair sa kanin?

Lollipop?

Chocolate?

Eeeehhhh???

Dalawang estudyante ang tumigil sa tapat namin. Mayroon din silang shopping cart. Sisilip sana ako kung anu-ano yung binili nila nang biglang nagsalita yung isa. "I should cook pasta for dinner. Ano sa tingin mo?"

"How about chicken?"

Pagkatapos marinig ang sinabi ng kasama niya, lumiwanag ang mga mata ko.

Yes!

"CHICKEN!" nagulat ko ata ang dalawa nang hindi sinasadya dahil bigla silang napatalon.

"A-ahh.. hehehe.. sorry.." nagmamadali akong bumalik kay Cal na sinundan ako ng tingin.

Kumapit ako sa kabilang dulo ng cart kaya nakaharap ako kay Cal. Saka ko pinatong ang aking mga paa sa metal plate na nakakonekta sa dalawang gulong sa harapan.

Ayan. Nakasakay na ako!

"Tara na Cal! Du'n tayo sa may chicken!" sabik na sabik kong sabi. Sinulyapan niya muna ang mga paa ko kung maayos ba itong nakapatong sa cart bago itulak ito.

"Wiiieeeee~~"

Kaya gusto kong mag-grocery kasama si Cal eh. Pinapayagan niya kasi akong sumakay sa cart!! Tapos nag-offer pa ako na take turns kami sa pagtulak. Bale ako na naman ang tutulak tapos siya sasakay. Pero ayaw niya naman daw. Hikhikhik.

Secret lang natin to ah?

Alam ko naman talagang ayaw niyang sumakay. Nag-offer lang ako kasi baka sabihin niyang ang selfish ko tapos magtampo pa siya sa'kin.

Huehuehue.

"Salamat po Manong." nginitian ko siya bago bumaba. Dumiretso ako sa aurai na nagtitinda ng chicken parts.

"Maraming chicken breasts po." binigyan ko ang aurai ng beautiful eyes.

"H-huh?" tinitigan niya lang ako nang nakakunot ang noo.

"Hala. Di niyo po alam yung chicken breast? Yun po yung breast ng chicken... Yung-" bumaba ang tingin ko sabay turo sa dibdib niya.

"Ganyan."

Aba malay ko ba kung bakit nanlaki yung mga mata niya. Wala naman ata akong sinabing mali. Alangan namang ituturo ko yung legs niya tapos sabihin kong yan yung chicken breast? Chicken legs yun ihh!!

"Artemia." tinawag ako ni Cal at base sa lalim ng boses niya, may atraso ako sa kanya o sa aurai.

"Huh? May nagawa na naman ba ako?" nilingon ko siya.

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon