Business

62.1K 3.5K 3.3K
                                    

Chase's POV

"Ako na po." Kinuha ko mula kay Yaya ang tray ng pagkain.

"Naku, itong batang 'to napakamatulungin pa rin..." puna niya.

"Syempre, master din 'to sa pagiging gentleman eh." bulong ko para hindi niya marinig.

Tumungo ako sa kwarto ni Ria na hanggang ngayon ay naka-lock pa rin.

Sabi niya kasi gusto niya munang mapag-isa hanggang sa maintindihan niya ang ibinilin ni Mnemosyne sa kanya.

Kinatok-katok ko ang pinto nang pangmalakasan sabay sigaw, "Hoy babae! Andito na yung hapunan mo!"

May narinig akong bumagsak mula sa loob ng kwarto niya kaya na-alarma ako. "Ria?!"

"What the fu- Chase! Natutulog ako! Bwisit ka!"

Tignan mo nga naman. Ang sabi, pag-iisipan niya raw yung sinabi ni Mnemosyne sa kanya, pero natutulog lang pala siya.

"Huli ka na! Kaya lumabas ka na diyan!" Lalo ko pang nilakasan ang boses ko. "Sisirain ko 'tong pinto pag di mo binuksan in three! two! one-"

Narinig ko ang pag-unlock ng pinto. Bumukas ito at bumungad sa'kin ang anak ni Ares na nandidilim ang mukha habang pinapadalhan ako ng nakakamatay na tingin.

Samantalang, napangiti lang ako.

"Ang sabi ni Yaya hindi ka raw nakapananghalian!" masigla kong sabi saka lumundag-lundag papasok ng kwarto.

"Chaseee!"

May sariling sala set ang kwarto niya, at nasa harap ito ng fireplace kaya dumako ako rito para ipalagay ang tray sa mesa.

"Nga pala, ba't ayaw mo nang kumain?" Ngumuso ako saka ko itinapat ang aking hintuturo sa bibig ko, at umaktong parang si Art kung may iniisip. "Parang kaninang umaga lang, ganadong-ganado kang kumain ah. Grabe pa nga yung titig mo sa pagkain eh..." Pa-inosente kong kinisap-kisap ang aking mga mata.

Oo, napansin ko kung paano siya makatingin sa'kin kaninang agahan. At alam ko kung ano ang ibig sabihin ng tinging 'yon.

Alam na alam.

"I-" Namumula ang magkabilang pisngi niya. "I-I was j-just..."

At dahil nakuha ko na ang reaksyon na gusto kong makuha mula sa kanya, ibinalik ko na ang dati kong ekspresyon.

"Nauutal ka ata, Ria." sambit ko nang nakasuot ng pilyong ngiti.

Lumitaw ang nag-aapoy na espada sa kamay niya, ibig sabihin, alam na niyang pinagtitripan ko lang siya.

Sumugod siya sa'kin at pinahilig ang kanyang espada sa kinatatayuan ko. "You fucking-"

Nanlaki ang aking mga mata nang muntikan nang dumapo ang blade ng espada niya sa leeg ko.

Yumuko ako saka umatras. "Hoy! Dahan-dahan lang! Mamahalin yung mga gamit namin dito!"

Kung saan-saan nalang tumatama ang espada niya dahil padaskul-daskol niya itong iwinawagayway.

Yan siguro yung bandera ng mga anak ni Ares na sinasapian ng phoenix?

"Get the fuck out!"

Ah, 'yan na pala yung signal na dapat na akong lumabas.

Ginamit ko ang ability ko at lumipat sa may pintuan.

Bumaba ang aking tingin sa relo na suot ko.

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon