Rings

58K 4.6K 4.1K
                                    

Art's POV

Bumubulong-bulong ako sa harap ng lababo sa kusina dahil sa boses ni papa na hindi matanggal sa aking isipan.

'How dare you turn your back against me!'

"Umikot lang naman ako para tignan yung kapaligiran ih!" Idiniin ko ang basang bimpo sa kaliwang braso ko at marahas na tinanggal ang dugo.

'The heavens will never hear another prayer from you again.'

"Tapos dinamay niya pa yung buong kalangitan huh!" Binilisan ko ang pagpunas hanggang sa makaramdam ako ng hapdi sa balat. "Eh di du'n ako sa mga deities sa Underworld magdadasal! Hmp!"

'No daughter of mine will choose another man over me.'

Nabigla ako nang may kumuha ng bimpo mula sa kamay ko sabay hatak ng aking braso.

Pag-angat ko ng ulo, sinalubong ako ng nandidilim na mukha ni Cal.

"Cal..." Sa tuwing nakikita ko siya, hindi ko maiwasang makaramdam ng takot, sa posibilidad na baka saktan siya ni papa katulad ng nangyari sa panaginip ko.

Dinampi-dampi niya ang bimpo sa braso ko bago ito pinunasan nang marahan. "You never told me about your nightmares."

"Ikaw din naman ah..." sagot ko.

"I was waiting for you to beg me to kill you." aniya. "Like what you used to do in the Underworld."

"Gusto mo talagang pag-usapan natin yan?" Bahagya kong ipiniling ang aking ulo. "O namali ka lang sa pagsabi?"

"May five seconds ka pa para bawiin yung sinabi mo." pagbibigay-alam ko sa kanya.

Ayokong pag-usapan ang mga pangyayari noong nakakulong pa ako sa Underworld, at alam niya 'yon.

Ngumuso ako.

Siguro nakalimutan niya. "Cal naman ih-"

"Cal."

Sabay kaming napalingon kay Trev na kapapasok lang ng dorm at tinawag kaagad siya.

Binitawan ni Cal yung braso ko sabay tapon nung bimpo sa mesa at dumiretso kay Trev.

Bahagyang bumukas ang aking bibig.

Luh! Di ako pinansin? Inuuna pa talaga niya si Trev kesa sa'kin ah!

May sinabi si Trev sa kanya na hindi ko gaanong narinig. Pagkatapos, isang mariing sulyap mula kay Cal ang natanggap ko bago samahan si Trev papalabas ng dorm.

At sa'n naman pupunta ang mga yun?!

Susundan ko na sana sila nang tawagin ako ni Kara.

"Art. Sit." Sinenyasan niya akong umupo sa sofa.

"Hmp! Di ako aso." Padabog akong lumapit sa kanya at bumagsak sa tabi niya nang nakanguso.

"So, ayun na nga guys may nangyari kay Cesia." Nagsalita si Thea. "...na naman."

"Thea." Pinadalhan siya ni Kara ng nagbabantang tingin.

"Bakit? Di ba palagi naman talagang may nangyayari sa babaeng 'yon?" Kumisap-kisap si Thea saka siniko si Seht na agarang tumango-tango.

"Right." ani twinny. "It seems like whatever is happening to all of us is happening to her."

"Eh di mas malala yun..." puna ko. "Dahil ba sa empathy niya kaya nagkaganu'n siya?"

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon