Precious

62.4K 3.7K 2K
                                    

Thea's POV

"Sapakan nalang oh." Sinarado ko ang hatch ng makina at ibinalik ang screws sa toolbox.

"What?" Natatawang tugon ni Seht na naka-indian sit sa sahig, katabi ko.

"Umalis si Ria, tsaka si Chase." naiinis kong sabi. "Tapos ano? Sasabihin mo sa'kin na gusto mong sumunod sa kanila?"

"What I mean is, I just want some time off. That's all." aniya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Anong time off ba ang pinagsasabi mo? Ayaw mo na ba dito sa Academy?"

"I don't know. Maybe I could borrow Blobblebutt for a day? Ano sa tingin mo?"

Napabuntong-hininga ako saka tumayo. "Kung hindi kita mapipilit eh di gawin mo yung gusto mo." Tinanggal ko ang suot kong leather apron at sinampay ito sa braso ko. "Basta siguraduhin mo lang na babalik ka." Pinulot ko ang toolbox.

Tumayo na rin siya at pinagpag ang pants niya. "But what if I don't? Are you going to look for me?"

Umiling ako.

"Well, that hurts." puna niya pagkatapos malaman ang sagot ko.

"Ayoko ng what-ifs. Kapag sinabi mong babalik ka, tutuparin mo 'yon. Pagsisikapin mong tuparin 'yon dahil kung hindi-" Daglian akong tumigil sa para mag-isip ng karugtong.

"...susunugin ko lahat ng collectibles ng mga paborito mong pagong."

Napasinghap siya saka niya ako pinaningkitan. "You wouldn't dare."

Umangat ang isang kilay ko. "Gusto mong gawin ko ngayon na?"

Palihim akong napangiti pagkatapos makita ang takot na panandaliang dumapo sa kanyang mukha. "I was just kidding. I'm not going anywhere."

Pinatong ko ang toolbox at apron sa mesa. "Ba't mo naman naisip na mag-time off ha?"

Nakahalukipkip ang kanyang mga braso sa dibdib nang sundan ako. "I keep having these weird dreams, lately. It's like my mind has its own mind? If that makes sense."

Kusa akong napahinto sa sinabi niya. "Ano namang napapanaginipan mo?" Humarap ako sa kanya.

"Remember what I told you? About what happened to Art and I?" tanong niya na tinanguan ko.

"Well, in my dreams, I didn't get to save her from the Underworld because she killed herself right after she was forcefully married to that asshole of a demigod."

Nakakunot ang aking noo habang nakikinig sa kanya. Akala ko may halimaw na nagpakita sa panaginip niya at nagtangkang saksakin siya, katulad ng nangyari sa'kin.

Napahikab si Seht. "I haven't had good sleep since we arrived in school." Mabagal niyang ibinukas-sara ang kanyang mga takipmata. "I might just pass out any time now."

"Gano'n ba?"

Kasunod na umalingawngaw sa buong silid ang ingay ng pagtama ng aking palad sa kanyang pisngi.

"Thea!"

"Eh sinabi mong magpa-pass out ka eh!"

Kumurap-kurap siya habang nakahawak sa namumula niyang pisngi. "But that really hurt..." Malungkot niyang sabi.

Ngumuso ako. "Sorry."

"Still hurts."

Matagal-tagal ko siyang tinitigan nang nakasingkit ang mga mata. Pagkatapos, napabuntong-hininga nalang ako. "Libre kita mamaya ng chocolate na ninja turtle."

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon