Fazed

68.4K 4.1K 2.1K
                                    

Thea's POV

"Ba't ba kasi ngayon yan nahimatay?!" padabog akong bumalik sa clinic kasama ang ibang Alphas. "Siya dapat yung makakatulong dito eh!"

Ang tinutukoy ko ay si Cesia na walang malay at karga-karga ngayon ni Trev. Kaya dumiretso ako sa dorm para hanapin si Cesia kasi sa tingin ko siya ang sagot sa problemang 'to. Tapos naabutan ko nalang siyang nakapikit at basang-basa sa pawis.

Aba. Ano to? Hitting two birds with one stone ganon? Double kill?

"Ask the one carrying her since he arrived LATE!" reklamo ni Galatea na nakapatong sa balikat ni Art.

"Oo nga Trev. Sa'n ka ba galing at bakit mas nauna pa akong nakarating sa'yo?" hindi ko naman siya nakita sa clinic kanina ah.

Syempre, wala kaming natamong sagot mula sa kanya.

"Papunta na rito sina Dio at Kara." biglang lumitaw si Chase sa harap ng pinto ng clinic. Katulad ko,may kaunti ring mantsa ng dugo ang damit niya.

Tumigil ang kanyang mga mata kay Cesia. Panandalian siyang pumikit at napailing. "Yung empathy niya. Ba't ko nakalimutan. Lintek."

"Hoy!! Kanina pa ako tanong nang tanong dito ihh!!" pumadyak-padyak si Art. "Ano ba kasing nangyari?!"

Bago ko pa masabi sa kanya ang nasaksihan ko sa clinic, lumabas si Seht na namumula ang mukha at humahangos. "She... she escaped."

"Papano? Diba nakatali siya?" Ako nga nagtali ng mga paa ng babaeng 'yun eh. Pinagsisipa pa naman ang mga aurai na nagtangkang lumapit sa kanya.

"Yeah. But.." huminto siya para makahinga. "She broke the rope.. and then we tried with chains but to no avail. She's too strong. Too angry."

Napansin ko ang reaksyon ng iba na takang-taka sa pinagsasabi ni Seht kaya binuksan ko ang pinto ng clinic para ipakita sa kanila ang antas ng pinsala na naidulot ni Ria pagkagising niya.

Nagulat nga din ako pagkatapos makita ang malaking butas sa pader ng clinic kasi wala naman ito kanina.

Nagmamadaling lumapit si Doc Liv sa'min. "Her wings are badly damaged. She might not have gotten too far." Saka siya napatingin kay Cesia. "Poor girl. She carries the weight of a phoenix with broken wings. Quick. Ihiga niyo siya."

"AKO LANG BA ANG WALANG NAIINTINDIHAN DITO?!" sigaw ni Art nang maibaba ni Trev si Cesia.

Sa totoo lang, wala rin akong alam sa nangyari kay Ria. Basta, nakarinig kami ni Seht ng pagsabog pero hindi na ito galing sa mechanical room. Lalabas sana kami para makiusisa nang salubungin kami ni Chase. Sabi niya may emergency daw sa clinic kaya syempre rumespunde kaagad kami.

Tapos...

Pagdating namin, nagkakagulo na. Lumilipad na sa iba't-ibang direksyon ang mga upuan, mesa.. pati na rin ang mga aurais napapatapon.

Nakita ko nalang si Ria sa gitna na pilit nilang tinatalian. Paiba-iba ang kulay ng mga mata niya, nagiging pula tapos nagiging gold naman.. at yung katawan niya, na parang binuhusan ng gasolina at sinindihan. Yung buhok din niya, mula sa dating red, kasingkulay na ito ng abo.

Ewan ko pero yung una talagang pumasok sa isipan ko ay sinapian siya. Alam kong hindi si Ria yun. Nalaman ko ito nang hatakin niya yung buhok ko tas nagkasalubong ang mga mata namin.

"What happened?" dumating na si Dio kasama si Kara.

"I'm gonna have to tell you this so you'll know what to do." ani Doc. Tahimik lang kami, inaantay ang karugtong niya. "Ria suffered injuries on the spine of her wings.. and she's a phoenix so it took a toll on her overall well-being since her wings are already a part of her system."

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon