Officially an Alumni

43.2K 3.1K 4K
                                    

Cesia's POV

Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata pagkatapos marinig ang tunog ng alarm.

Pinunasan ko ang isang luha na tumakbo sa gilid ng aking ulo. Ilang sandali kong tinitigan ang kisame bago napadesisyunang bumangon na.

Umupo ako sa gilid ng higaan at inabot ang orasan para patahimikin ito.

Pagkatapos, lumabas na ako ng kwarto at bumaba.

"Good morning, Auntie," nakangiti kong bati kay Auntie na kalalapag lang ng kanin sa mesa.

Nginitian niya rin ako. "Good morning, Abby. Kain na?"

Tumango ako at lumapit sa kanya. Lumapad ang aking ngiti nang makita ang sinigang na nakahanda sa gitna.

Tinanggal niya ang suot niyang oven mitts at sinabayan ako sa pag-upo.

"Mamaya darating na yung sundo mo." Itinabi niya ang mga ito sa mesa. "Congratulations ulit, Abigail-" Sandali siyang napatigil.

"Cesia," sambit niya. "Congratulations, Cesia."

Nagsimula na akong magsalin ng pagkain para sa sarili ko nang may maalala ako, "Ngayon din uuwi si Papa, diba?"

"Aba, dapat lang," sagot ni Auntie. "Graduation ng anak niya."

Humigop ako ng kaunting sabaw at napangiti sa pamilyar na lasa nito.

Ito yung hinahanap-hanap ko habang nasa Academy pa ako...

Habang kumakain, panay ang pagsingkit ng mga mata ko dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung saan nagpunta si Papa. Pagkatapos naming mabalik sa realms, isang linggo lang inilaan niyang panahon para magkasama kami.

Tapos, sinabi lang niya sa'kin na may pupuntahan siya, pero sinigurado niya naman akong babalik din siya para sa departing ceremony, o sa ibang salita, graduation namin.

Umangat ang isang sulok ng aking labi.

Hindi niya sinabi kay Auntie kung saan siya pupunta dahil alam niyang gagamitin ko lang ang ability ko para malaman ito.

Bumalik na rin pala sa kanya yung Spectra. Wala na ito sa'min ni Trev, dahil sa kasalukuyan, si Papa ang pinakamakapangyarihan sa mortal realms. Siya lang ang may hawak nito sa realm, dahil nag-iisa siyang pinakamakapangyarihan. 

Hindi naman ako nanghina. Malakas pa rin yung abilities ko, hindi nga lang kasinglakas nung sa kanya. Gaya ng sinabi sa'kin ni Aphrodite, kalahati lang ako sa totoong kapangyarihan ni Papa, at ganoon din si Trev, kaya dalawa kaming may hawak ng Spectra noon.

Kalahati lang ang kapangyarihan ko sa kapangyarihan niya, pero may kapangyarihan naman ako na wala siya, sa kadahilanang dalawa yung deities ko samantalang isa lang yung sa kanya.

Nabaling ang aking atensyon kay Auntie na napansin kong humihikbi.

"Auntie?" nag-aalala kong tugon.

"Pasensya ka na," naluluha niyang sabi. "Parang kahapon lang kasi kahahatid ko pa sa'yo sa kindergarten school."

Natawa ako nang mahina. "Auntie naman, eh..."

Tinuyo niya ang kanyang mga luha. "Oo na, sabi ko nga, ako ang mas OA sa'tin."

"Gods." Napailing siya. "Ramdam ko pa ang lungkot ko noong hinihintay ko yung maghahatid sa'yo sa Academy."

"Tapos ngayon, ga-graduate na yung Abby ko..." mahina niyang dugtong.

"Auntie!" Naiinis kong sabi. "Huwag mo nga akong pinapaiyak! Mamaya nalang!"

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon