Unbreakable

43.6K 3.8K 5.6K
                                    

Cesia's POV

'Ria, an Alpha, daughter of Ares, the God of War, at your service...'

'Abby? Alam mo ba? You're my first friend ever.'

'I won't allow you to erase yourself from existence, Cesia.'

'Walang may gustong kaibiganin ako, eh. Madali raw kasi akong magalit. Buti nalang nandito ka kasi nililibre mo lang ako ng ice cream, eh, hindi mo ako inaaway katulad nung iba. Hindi mo'ko iniiwan.'

'This isn't the first time you see me break, right?'

'Ikaw nalang best friend ko. You want? Para lagi tayong magkasama. Close din naman tita mo at mama ko, eh!'

Ang kauna-unahang kaibigan ko, bago pa ako mapadpad sa Academy...

'I'm stressed out... at dahil dito, kakain ako ng ice cream.'

'At dahil sa'yo, paborito ko nang kainin yung ice cream!'

'Don't lose yourself, demigod.'

Boses... boses mo lang ang tanging naririnig ko. Bakit hindi na kita maramdaman? Bakit hindi ko na nararamdaman ang presensya mo? Bakit... hindi na ako makabuo ng koneksyon sa pagitan sa'ting dalawa?

Kailangan kong marinig ulit ang tibok ng puso mo, Ria. Kailangan kong maramdaman ulit ang galit mo.

Kailangan ko ang tapang mo.

Dahil kasasabi ko lang na handa akong i-alay ang sarili ko, huwag lang kayong mawala. Kakapangako ko lang na gagawin ko ang lahat para sa inyo... pero bakit...

Bakit mo'ko inunahan?

Hindi ikaw ang dapat pumili sa pagitan ng sarili mo at ng iba, eh.

Dapat ako 'yon, Ria.

Ako dapat ang gagawa ng desisyon na 'yon.

Laban ko 'yon. Hindi sa'yo... kaya bakit ka pumagitna, sa sandaling 'yon?

'Yun yung gusto niyang mangyari, at ayoko... ayokong ibigay ito sa kanya.'

Narinig ko ang sarili kong pag-iyak. Umiyak ako nang malakas, kahit hindi ko na maramdaman ang sarili ko, hindi ko na alam kung nasaan ako.

Wala akong nakikita, wala akong naririnig maliban nalang sa sarili kong iyak, dahil wala na akong ibang nararamdaman ngayon kundi sakit at pagkabigo.

Dahil nanghina ako. Muntik na akong matalo laban ang sarili ko.

Hindi- natalo na ako. Natalo na ako laban ang sarili ko.

Ngunit hindi ako. Hindi ako yung nawala.

"L-Laban ko 'yon, Ria..." Humagulgol ako ng iyak. 

Ako yung nagdala pero bakit nasa'yo ang kinahinatnan?

"Bakit mo nilagay ang sarili mo do'n?!" Napasigaw ako sa matinding sakit. "Bakit mo ginawa 'yon?!"

"R-Ria..." Nanginginig ang boses ko habang umiiyak.

Sa dinami-raming sakit na naramdaman ko, ito na ang pinakamalubha.

"Hindi mo naman kailangang gawin 'yon..." Patuloy ang pagbuhos ng aking mga luha. "Hindi mo kailangang gawin para sa'kin 'yon..."

Ako ang pinapili ni Chaos kung handa ba akong mawala para sa inyo.

At ang bigat ng desisyon na 'yon, ikaw ang pumasan para sa'kin.

"B-Bakit?" Hindi ko maintindihan. "...Ria?"

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon