Last Meet

46.1K 3.4K 3.9K
                                    

Kaye's POV

Kinawayan ko sina Art na kapapasok lang sa may entrance ng Academy. Kasama niya sina Seht, Thea, at Cal.

"Kayeeee!" Tumakbo siya sa direksyon ko at sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap. Agad din siyang bumitaw at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Okay na ba?! Okay na ba yung pakiramdam mo?!"

Napangiti ako tumango ako. "Mmm."

"Sabi ko sa'yo na-jetlag ka lang sa literal na pagbabagong-buhay natin, eh!" 

Natawa ako sa sinabi niya. "Doc Liv took good care of me."

"Yeheeey!" Tumatalon-talon siya. "Graduation! Graduation! Graduation!"

Patuloy na isinigaw ni Art ang katagang 'yon hanggang sa sundin ito ng mga estudyante. And before I know it, the entire school chanted the word 'Graduation' while pumping their fists in the air.

Napailing nalang ako nang maghiyawan ang mga estudyante pagkatapos.

"Oh my Greeks!" Tumili siya. "Sabihin mong same lang tayo ng table sa ceremony!"

"Same lang tayo ng table sa ceremony," sabi ko dahilan na tumili pa siya nang todo.

Just like them, I was able to finish the twelve trials smoothly. I passed, and I also get to sit at the same table with them.

"Kayeee!"

Hindi rin ako nakalagpas sa sigaw ni Thea.

Gods. These two.

"Ga-graduate na tayo- putanginaaa!" Niyuyugyog niya ako at mabilis akong nahilo.

"T-Teka lang-" Hinawakan ko ang magkabilang braso niya. "Oo nga! Ga-graduate na tayo!"

Huminto naman siya, bago muling napasigaw. "Congratulations sa inyo mga gago!"

The students screamed with joy for the second time, to acknowledge the Alpha's salutation.

"Magpapaparty rin daw si Dionysus sa templo ng Olympians mamayaaa!" anunsyo niya.

At lumakas pa nga ang mga sigaw nung iba.

"A party?" ani Seht na lumapit sa'min. 

"Yeps!" Tumatango-tango si Art. "Di kasi natuloy yung party nung god last rebellion kaya ngayon nalang daw para i-celebrate yung graduation natin."

Natawa naman si Seht. "Shocking."

"Alphas."

Tinawag kami ng headmistress ng mga aurai. Nakasunod sa kanya ang dalawa pang aurai na may bitbit na graduation gowns.

Ginto ang kulay ng mga ito.

"Or should I say, Omegas." She slightly bowed her head. "Here are your robes for the ceremony."

Inabutan kami ng mga aurai ng tig-iisa.

Tinanguan nila kami pagkatapos magpasalamat sina Art at Seht sa kanila.

"Your caps are waiting at your table," the headmistress informed us. "And may I take this chance to congratulate all of you."

Napangiti ako. "Thank you."

"Congratulations, demigods, not only for surpassing the evaluations." Nginitian niya kami. "But also for bringing life back to the realms."

"You will be remembered to this day," saad niya. "As the mortal founders and foundresses of this school, along with the deities."

Sabay-sabay na lumiwanag ang aming mga mukha nang sabihin niya 'yon.

"You're kidding." ani Seht.

The aurai chuckled lightly. "Your table is set just right in front of the platform, across the table for the staff's and the council of Elders'."

"I'll see you, then," paalam niya at tuluyan na nga kaming iniwan na hindi makapagsalita.

"Teka." Sinira ni Thea ang katahimikan. "Ito ata yung graduation gift ni Hephaestus para sa'tin, eh. Sabi niya kasi na nagbago rin yung history ng Academy at hindi na si Theosese ang founder, kaya may papangalanan siyang bago."

Napa 'ooh' kaming lahat sa sinabi niya.

"Excuse me, Kaye?"

Sabay kaming napalingon kay Doc Liv.

"Can I..." Binigyan niya ako ng nag-aalangang ngiti. "Can I talk to you?"

She seemed worried.

Tumango ako. "Sure." Tinignan ko yung iba at nginitian sila. "I'll see you later."

Pagkatapos, sinundan ko lang si Doc sa isa sa mga hallways ng Academy kung saan walang gaanong tao.

"I just received your test results," aniya. "You're not sick."

I let out a sigh of relief. "Good."

"But Kaye..." 

Tinitigan niya lang ako nang matagal dahilan na magtaka ako.

"What is it?" usisa ko.

"You're pregnant."

Tuluyan na ngang tumigil ang mundo ko pagkatapos marinig ang sinabi niya.

I'm... pregnant...

"W-What?" Napalunok ako. "H-How long?"

"One month."

Tears started to form from each corner of my eyes as I let out a sigh.

It has been a month since the realms were restored.

'Be mine, even only for this moment..'

It has been a month since we last met.

Pinikit ko ang aking mga mata at pinakawalan ang mga luha ko.

"T-That's not... that's not possible," nanghihina kong sabi. "Even if we did- that's not possible."

"Kaye-"

Humagulgol ako ng iyak. "That's not true!"

Niyakap niya ako. "It is..." bulong niya sa'kin. "It is the truth, Kaye."

'You were destined to be mine, after all...'

Napasigaw ako sa sakit ng alaala niya.

'You are... my consequence.'

"T-That idiot!" I sobbed. "Just because he couldn't stay with me he-"

Slade.

You... you stupid...

"Come on.. Take it in now..." Patuloy na hinahagod ni Doc ang likod ko. "I know you can, dear."

Now what, huh?!

You have just given me a child as a gift! You dumb fuck!

And I'm sure he or she's going to look like you!

"You're going to have a baby, Kaye." Naiiyak na rin ang boses ni Doc. "Oh Gods- help me. I'm crying."

I get to hold you... I get to hold you in this life, after all.

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon