Glimpse of Light

82.9K 4.3K 1.1K
                                    

Thea's POV

"ANO?!" halos mapasigaw ako nang marinig ang balita ni Chase.

Okay. Sige. Ako na yung over-reacting pero hello?! sino bang hindi mag o-over-react sa sinabi niya?! di naman siguro ako gano'n ka manhid ah.

"Alphas are ordered to go back to the Academy immediately." kinaway-kaway niya ang envelope na may pakpak.

"Pa'no naman yun? Di pa tapos break natin ihh!!" ngumuso si Art at padabog na umupo sa sofa.

"All my bags are ready." lumabas si Dio bitbit ang bagahe niya.

"You knew this would happen?" tanong ni Kara sa kanya.

Tumango si Dio at tinignan kami. "I knew something was wrong when I showered earlier today. The water came out... colder."

"By colder, you mean?" magkasalubong ang kilay ni Seht.

"The water here in Greece is the closest we have in the other realms." sagot niya. "I was bothered by it the whole day because the first thought that came up to me was that something must be affecting its flow."

"Kaya ba sobrang tahimik mo kanina?" tanong ni Ria na tinanguan ni Dio.

"Pack your things." hindi nag-aksaya ng oras si Trev at dumiretso sa kwarto para ihanda ang kanyang mga gamit. "We're flying back to the Philippines. Now."

Narinig ko ang reklamo nila nang magsipuntahan sila sa mga kwarto. Napatingin ako kay Cesia na nagkibit-balikat at sinenyasan akong sundin yung iba.

Pagkatapos mag-impake lumabas na kami ng bahay. As usual, may ipinadala si Fernando na alalay niya para sunduin kami at ihatid sa private airport na pagmamay-ari niya.

Habang nasa byahe, nakakabingi ang katahimikan sa pagitan namin. Walang ni isa ang nagtangkang magsalita dahil hindi maipagkakailang lahat kami ay walanag ideya kung ano na naman ang problemang sasalubong sa'min pagdating namin sa Academy.

Bwiset na buhay 'to.

"Are you tired?" bulong sa'kin ni Seht. "Magpahinga ka muna."

"Pagod na akong maging demigod." otomatikong bumukas ang bibig ko at nasabi 'yon. Siguro dahil 'yon talaga ang unang lumabas sa isipan ko nang tanungin niya ako kung pagod na ba ako.

Inangat niya ang kanyang kamay at mahinang tinulak ang ulo ko sa balikat niya. Nagpadala nalang ako at pinikit ang mga mata ko nang masandal yung ulo ko sa balikat niya.

"I know.." narinig kong sabi niya. "I know.."

Malaki naman ang pasasalamat ko na nakilala at naging kaibigan ko sila. Kaso, may mga araw lang talaga na namimiss ko ang dating buhay ko.

Sa mortal realms.

Kasama sina mama at Arah.

Noon kasi, hindi deities o gigantes ang panira sa buhay ko kundi ang mga exams, quizzes, at pang-iinis ng kapatid ko. Sobrang simple lang ng buhay... at hindi ko man lang na-realize 'yon dahil hindi ko alam na mabilis ding matatapos lahat. Lahat ng mga oras na nakasama ko sila.

Kung pwede pang bumalik sa dati para makabawi sa kanila.

Babalik ako.

Mamahalin ko sila nang todo-todo at hindi ako mahihiyang ipakita sa kanila 'yon.

A-absent ako sa klase para mabigyan ko ang sarili ko ng mas maraming pagkakataon na makasama sila.

Sobrang bilis ng mga pagbabago.

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon