Gods Will Rise

42.6K 3.1K 2.9K
                                    

Matilda's POV

Sabay kaming napatingin sa isa't-isa ni Kara nang mapansin namin ang biglaang paggaan ng hangin.

"She's here," puna niya.

Tumango ako bilang pagsang-ayon.

Bago pa ako makapagpatuloy sa paglalaban, ay bigla siyang nagsalita. "There's something wrong."

I looked at our surroundings, again. "Wala naman akong kakaibang nararamdaman-"

"No, something really is wrong, Matilda." giit niya.

"Kara," sambit ko pagkatapos makita ang isang luha na tumulo mula sa sulok ng kanyang mata. "Umiiyak ka."

Pinunasan niyo ito at saka napatingin sa dulo ng kanyang mga daliri. Nagkasalubong ang kanyang kilay. "I-I'm..." Biglang nanghina ang kanyang boses. "...crying."

"Cesia-" She gasped. "Where's Cesia?!"

Hindi ako makagalaw dahil minasdan ko lang kung paano sunod-sunod na pumatak ang mga luha niya.

Humikbi siya. "W-Where is she?!"

What's happening?

Pagkatapos, napatingin ako sa gintong simbolo na nakaukit sa pulso ko. Unti-unti itong naglalaho.

Cesia?

Napahawak ako sa dibdib ko.

Bakit ang bigat ng nararamdaman ko? Sobrang bigat...

Marahan akong napahawak sa pisngi ko at dinamdam ang namamasang luha.

Why... am I crying as well?

I don't understand. I'm not in pain... but why am I shedding tears?

Nabaling ang aming atensyon sa 4 x 4 jeep na tumigil sa harapan namin. Isang babae ang seryosong nakatingin sa'min.

"Hop in," aniya.

Sinilip ko kung sino ang nasa driver's seat at nalamang lalaki ang nagmamaneho ng sasakyan.

"Who are you?" I asked.

"Annais," sagot niya. "Cesia's Pillar."

I clenched my jaw and nodded. Nagmamadali akong lumapit sa pintuan ng kotse bago mapahinto dahil napansin ko si Kara na hindi gumagalaw. Nakatitig lang siya sa babae- hindi. Nakatingin siya sa lalaking nasa likod ng manobela.

Bumukas ang kanyang bibig na para bang may balak siyang sasabihin ngunit hindi niya maituloy. Sa huli, tumango lang siya at sinenyasan akong maunang umakyat sa sasakyan.

Sumunod naman siya sa'kin at nang maisarado niya ang pinto, ay agad humarurot ang sasakyan. Sobrang bilis ng takbo nito kaya napakapit ako nang mahigpit sa hawakan.

"Where are we going?" tanong ko.

"To the others," ang lalaking nagmamaneho ang siyang sumagot.

Others?

"Teka- ikaw ang nagpalaki kay Cesia?" usisa ko. "At buhay ka? Akala ko-"

"We went back in time to undo what chaos did," ani Kara. "That includes saving them."

Umangat ang aking kilay. "So I guess Destiny really gave you the time to do such thing, huh?"

"What do you mean? I felt like I almost spent a lifetime in that realm." Magkasalubong ang kanyang kilay nang tignan ako. "You didn't?"

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon