Delusions

65.8K 4.2K 1.8K
                                    

Cesia's POV

Walang tigil pa rin ang pagbagsak ng ulan nang makalapit na ako kay Ria na ilang ulit nang napatapon sa iba't-ibang direksyon dahil kay Blobblebutt.

Sinabihan ko na si Art na patahanin yung alaga niya.

"Ria.. bumalik na tayo.." dahan-dahan ang mga hakbang ko tungo sa kinatatayuan niya. Ramdam kong pagod na siya at kaunting galaw nalang ang kulang bago permanenteng magshut down ang utak niya gaya ng sinabi ni Doc.

Ito kasing si Trev! Sinabing wag gamitan ng abilities si Ria para di siya masaktan ng todo-todo. Tinanong ko lang siya kung may magagawa ba siya para maibaba yung phoenix nang hindi siya sinasaktan... eh syempre ang ginawa niya kuryentehin si Ria.

Ewan ko ba sa lalaking 'yon.

Nawala ang bigat sa balikat ko nang makitang bumalik na sa dating kulay ang mga mata niya.

"Ce-Cesia?"

Akmang hahawakan ko siya kaso humakbang siya paatras, papalayo sa'kin. Sinulyapan niya si Chase sa likod ko at muli na namang napaatras. Bakas sa kanyang mukha ang labis na pagtataka.

"Umuwi na tayo. Kailangan mo lang magpahinga. Tapos balik ulit tayo sa d-dati.." nautal ako dahil bumalik na naman ang samu't-saring emosyon na nanggagaling sa kanya.

"Ria-"

Huminga siya ng malalim bago buksan ang kanyang bibig at naglabas ng napakalakas na iyak dahilan na bumagsak ako at napahawak sa ulo ko. Tila inalog ang utak ko dahil sa nakakabinging tunog na nanggagaling sa kanya.

Ilang sandali lang at huminto na ang ulan.

"Thea!" sigaw ko.

Inangat ko ang aking ulo para makita si Thea na tumatakbo sa likod ni Ria, hawak-hawak ang dulo ng net na nag-aapoy at sa kabilang dulo naman, ay si Seht.

Napalingon si Ria sa likod niya at pagkatapos makita ang dalawa na papunta sa kanya, ay mabilisang nag-anyong phoenix.

Bago pa makatakas si Ria, mahigpit na hinawakan ni Kara ang isang paa niya saka hinatak pababa.

Tuluyan na nga siyang ibinalot nina Thea sa nag-aapoy na net dahilan na bumalik siya sa anyong tao niya. Itinukod niya ang kanyang mga kamay sa lupa at inangat ang kanyang tingin sa'kin.

Lumapit ako sa kanya at di na kailangan ang kapangyarihan ko para masabing labis ang galit niya sa'kin.

"Hayaan mo kaming tulungan ka, Ria.." tugon ko. "Pagod na pagod ka na.."

Pinanlilisikan niya ako ng mata. "I hate you and I'll be sure to remember that-"

'Sleep.'

Dahan-dahan siyang napapikit at sa huli'y bumigat na rin ang buong katawan niya.

Ngayong natanggal na ang koneksyon sa pagitan namin ni Ria, nakahinga na rin ako nang maluwag. Naglaho na ang bigat na pakiramdam na pilit akong nilulunod....

pero pinalitan ito ng bigat ng kalungkutan na naramdaman ko pagkatapos marinig ang sinabi ni Ria.

'I hate you and I'll be sure to remember that.'

"Eh? Akala ko ba walang epek yung apoy sa isang phoenix? Kasi diba? Creatures of fire din naman sila?" tanong ni Art.

Dumating si Dio at ginamit ang abilities niya para kontrolin ang tubig sa lupa at patayin ang apoy na nakatakip kay Ria.

Oculus of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon